Chapter 52 - First night together alone

988 22 3
                                    

After mag-dinner nina Sarah at Gerald ay pumunta sila sa isang lugar na napaka-ganda ng view. Nasa area pa din sila kung nasaan nakatayo yung bahay. Lumalalim na ang gabi at nag-usap sila tungkol sa mga bagay bagay.

“Alam mo ba kung kanino ‘tong bahay na ‘to?” sabi ni Gerald. Mukhang seryoso.

“Kanino? Sayo?” sabi ni Sarah.

“Oo, sakin.”

“Wow!! Bigtime ka na talaga ha!!!”

“Hindi rin. Pero alam mo ba kung para kanino ‘to?”

“Oh kanino?”

“Sa nag-iisang babae na mahal na mahal ko.”

“Ahhh…. kay Kim?” sabi ni Sarah. “Ouch! So kailangan niya pa talagang sabihin sakin yan ng harapan?”

“Hindi si Kim….. ikaw. Sarah, ikaw!!” sabi ni Gerald sabay hawak sa kamay ni Sarah.

“Nako Gerald! Tigil tigilan mo nga ako sa mga paandar mo ha!!! May asawa ka nang tao!” piglas ni Sarah sa paghawak ni Gerald sa kanyang kamay.

“Sarah, para sayo ‘to! Itong bahay na ‘to!!!”

“Pwede ba!!! May anak ka na Gerald!!!”

“Hindi ko naman sinasadya yun na mangyari samin ni Kim!!”

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Lasing ako nung mga panahong yun dahil lutang ako sa mga bagay bagay na nangyari sayo at ni Cobbe. Tapos hindi ko naman aakalain na pagsasamantalahan ako ni Kim. Wala akong ideya kung paano nangyari yun!!!”

“Pero nangyari pa din!! Bakit hindi mo alam ha? Ibig sabihin gusto mo din!!!”

“Hindi totoo yan Sarah!! Hindi ko magagawa yun sayo!!!”

“Pero wala ka nang magagawa dahil andyan na yan at kailangan yang panagutan! Kawawa yung bata!! Kaya tigilan na natin ‘to okay? Wala na tayo Gerald!! Wala na!!!”

“Pero Sarah!!!” sabi ni Gerald na lumuluha na. “Ayokong mawala ka sakin!! Ikaw pa din ang mahal ko!!!”

“Pero may anak na kayo ni Kim!” sabi ni Sarah na lumuluha na din. “Kailangan mo yang panagutan at si Kim!”

“Hindi ko mahal si Kim at ayoko siyang pakasalan! Ikaw ang gusto ko Sarah! Ikaw!!!”

“Nandyan na yan!!!” sabi ni Sarah at bigla siyang hinalikan ni Gerald sa labi. “Ano ba?!”

“Sarah! Mahal na mahal kita!!!” sabi ni Gerald at hinalikan niyang muli si Sarah at wala nang nagawa si Sarah kung hindi ay bumigay na rin.

Lumalim ang kanilang mga halik. Nakahiga sila sa damuhan. Mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa at hindi nila mapigilan ang kanilang mga emosyon. Hinalikan ni Gerald si Sarah sa kanyang leeg. Batuhan sila ng mga malalalim na halik. Unti-unting nahuhubaran ang bawat isa sa kanila. Sadyang hindi mapigilan ang bugso nang damdamin at pagkasabik nila sa isa’t isa. Hanggang sa natauhan si Sarah sa mga pangyayari…..

“Hindi tama ‘to Gerald. Itigil na natin kung ano man ang meron sa atin! Wala na tayo talaga diba?” sabi ni Sarah at umalis na. “Kahit na mahal kita Gerald, kailangan kitang pakawalan dahil kailangan mong panagutan ang anak niyo ni Kim at napakasakit sa akin yung mga nangyari.”

“Sarah!!! Sarah!!! I’m sorry!!!” sabi ni Gerald. “Sorry Sarah. Nabigla lang ako sa damdamin ko dahil mahal na mahal kita. Ang tagal ko nang gusto na mahalikan ka. I’m sorry sa mga nagawa ko.”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon