Chapter 2 - Annulment and The Picture

2.6K 34 4
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa din hiwalay sina Divine at Delfin. Matagal nang pinag-isipan ni Divine na mag-annul na sila ng kasal kaya ngayon ay nakapag-desisyon na siya. Nakarating ang mga papeles kay Delfin at agad naman niyang tinawagan si Divine.

“Divine ano ‘to? Annulment?” tanong ni Delfin.

“Oo. Annulment yan.” sabi ni Divine.

“Gusto mo nang annulment?”

“Hindi ko naman ipapadala yan kung hindi ko gusto diba? Ano ba naman Delfin!!”

“Ang ibig kong sabihin, bakit ngayon lang? Ang tagal tagal na nating hiwalay tapos ngayon lang tayo mag-aannul ng kasal?”

“Maniwala ka man o hindi pero matagal tagal ko din yan pinag-isipan. Lahat ng mga bagay na pwedeng mangyari. Kaya pirmahan mo na yan.”

“Hindi ko pipirmahan yan!”

“Anong hindi? Pwede ba Delfin wag mong pahirapan ang mga bagay bagay!”

“Hindi ko pinapahirapan ang mga bagay bagay!!”

“Pwes eh di kung hindi mo pinapahirapan, pirmahan mo na yan nang matapos na itong usapan na ito!!!”

“May hihilingin lang ako.”

“Ano naman yun?”

“Gusto kong pumunta dito si Sarah sa lugar ko ng isang buong summer saka ko pipirmahan ang annulment papers.”

“Ano?!?? Alam mo namang ayaw na ayaw ni Sarah dyan!”

“Pwes hindi ko pipirmahan ang annulment na ito hangga’t hindi mo natutupad ang hiling ko.” at binaba ni Delfin ang kanyang cellphone.

“What’s with the look Mommy?” sabi ni Sarah at sabay kiss kay Divine. “Good morning. Ay mukhang bad pala. Anong meron? Bad dream?”

“No it’s not baby.” sabi ni Divine.

“Then what?” nag-simulang kumuha ng pagkain si Sarah at inilagay sa kanyang plato.

“You see Sarah, matagal na kaming hiwalay ng Daddy mo diba?” tanong ni Divine at seryoso ito sa kanyang mga sinasabi.

“Then? Pano naman napunta sa usapan natin yung lalaking nang-iwan satin?”

“Kasi nag-send na ako sa kanya ng annulment na finile ko last month.”

“Ngayon lang?!? Diba I told you na mag-file ka na habang nasa US pa ko?!? You didn’t do it?”

“Kasi hindi naman ganun kadali yun Sarah. Kailangan ko din isipin ang mga bagay bagay.”

“Okay let’s go straight to the point. What’s important is nakapag-file ka na at na-send mo na sa kanya dun sa lupain niya!!!” galit na galit na sabi ni Sarah.

“Don’t talk like that Sarah! Daddy mo pa din siya.” sabi ni Divine.

“Yeah right. So san patungo itong conversation natin?”

“Kasi ayaw niyang pirmahan ang annulment papers hangga’t hindi ka pumupunta dun sa lugar niya for one summer.”

“WHAT?!???? No way!!!! No way!!!!! I will not spend my whole summer there. I’d rather die!!! Tsaka pano niya nalaman na nandito na ko? Wait, don’t tell me na ina-update mo siya kung anong nangyayari sakin?”

“Of course! Karapatan niyang malaman kung ano na ang mga nangyayari sa buhay nang anak niya. Sarah baby, please do it for me? Diba ikaw na rin ang nagsabi na kailangan nang ma-annul ang kasal namin? Then do it!” sabi ni Divine at biglang napaisip si Sarah.

“Okay fine. I’ll do it!” lubag sa looban na sabi ni Sarah.

“Thank you baby! Thank you!!!”

“But I’m only doing this for you and not for him!!!”

“Try to open your heart baby.” sabi ni Divine at kinuha ang cellphone at tinawagan agad agad si Delfin. “Wait, I’ll call him.” tumayo.

“Talaga?!? Okay sige salamat Divine.” masayang sabi ni Delfin. “Paki-tawag mo nga si Gerald.” sabi niya sa isang tauhan. “Salamat naman. Ito lang ang naisip kong paraan para maibalik ang loob sa akin nang anak ko.” sabi niya sa sarili at ngumiti. Nagkaroon siya ng pag-asa.

“Ang laki ata nang ngiti natin ngayon Sir?” tanong ni Gerald.

“Oh Gerald! Andyan ka na pala!”

“Anong meron satin ngayon Sir?”

“Ay oo. Sunduin mo yung anak ko sa airport bukas ha? Dito kasi siya magbabakasyon buong summer.”

“May anak ho pala kayo Sir?”

“Oo Gerald pero mahabang kwento.” sabi ni Delfin at iniba niya lang ang usapan dahil ayaw niyang pag-usapan pa ang nakaraan. “Oh basta yung bilin ko sayo. Sunduin mo siya sa airport ha. Wag kang ma-late.”

“Sige ho Sir!”

“Tsaka mag-suot ka nang maganda. Papahiramin nalang kita ng mga polo ko dyan! Galing US eh.”

“Ay nako Sir! Mapapalaban ata ako ng English dito.”

“Siya nga! Baka. Basta bukas ha.”

“Opo Sir. Ang kulit niyo po ha!”

“Wala. Masaya lang talaga ako Gerald. Sa wakas makakapiling ko siya kahit sa isang summer lang.” masayang sabi ni Delfin.

“Ay Sir pwede palang makahingi ng picture nang anak niyo, di ko pa po kasi siya nakikita.” hiling ni Gerald.

“Oo nga pala.” sabi ni Delfin at naghanap ng picture ng anak niya. “Oh eto. Maswerte ka at may picture ako. Recently lang yan nung nag-graduate na siya ng kanyang masters sa US.”

“Eh ang ganda ganda naman pala ng anak niyo Sir!!!” sabi ni Gerald habang tinitingnan ang picture ni Sarah.

“Oo naman syempre!! Anak ko ata yan! Ang pangalan niya nga pala ay Sarah Asher. Pwede mo siyang tawagin na Sarah.”

“Ah. Si Mam Sarah……”

Buong gabi tinitigan ni Gerald ang picture ni Sarah. Sobra siyang namangha sa itsura ni Sarah dahil mukhang anghel at prinsesa. Pati ang pangalan ay napakaganda. “Hindi naman ako magugustuhan ni Mam Sarah. Isang hamak na tauhan lamang ako ng kanyang tatay.” Yan ang mga nasa isip ni Gerald habang tinititigan niya ang picture ni Sarah.

Author's Note: Ano say niyo guys? Syempre, wala pa naman pong kilig moments dyan. Hehe :) Abangan niyo po sa mga susunod.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon