Chapter 50 - Going to Davao!! 2nd time around

867 23 5
                                    

Author's Note: Sorry po at natagalan na naman ang update! Pero eto na po. Enjoy reading!!!

May twitter na po ako! Pero public account ko po yan. Hehe! Follow me: @freakiemoi

And please read my newest ever fan fiction. First ko po gumawa ng story for Kathniel :)

**

Ngayong araw na nga ang flight papuntang Davao nina Sarah at Gerald pero hindi pa sila nakakapaghanda lalo na si Sarah na walang kaalam-alam na mamaya na pala talaga ang kanilang flight dahil akala lamang niya yun. Pumasok pa din silang dalawa sa opisina.

“Mam, kakausapin daw po kayo ni Sir Anderson.” sabi nung secretary.

“Sige. Let him in.” sabi ni Sarah at pumasok na si Gerald ng office niya. “Oh anong kailangan mo?”

“Oh. Eto na ticket mo.” sabi ni Gerald at tiningnan ni Sarah yung ticket at nakita niya yung oras ng flight. Nabigla.

“ANO?! Mamayang gabi na agad agad yung flight?”

“Oo.”

“Bakit naman? Di pa ako nakakapaghanda at ang dami ko pang meetings ngayong araw!”

“Eh diba ikaw na nga ang may sabi na gusto mong mapadali ang pagpirma ko sa proposal papers? Ikaw yung atat na atat dyan tapos ngayon nagre-reklamo ka!!”

“HOY! Excuse me! Hindi ako atat! Gusto ko lang mapirmahan mo na! Sino kaya dito yung ang dami pang ka-echosan!”

“Basta mamaya yung flight natin! Take it or leave it!” sabi ni Gerald at lumabas na ng office ni Sarah.

“Hoy! Bastos ka! Hindi pa kita tapos kausapin!!!” galit na sabi ni Sarah at tinawag niya ang kanyang secretary. “Hello? Come in to my office now.” maya maya ay dumating na yung secretary.

“Yes Mam?” sabi nung secretary.

“I want you to cancel all my appointments today pati narin bukas.”

“Are you sure Mam? Napaka-dami pong important clients!”

“Yes. Please send my apologies pero I just need to do something very urgent. Ire-sched mo nalang sila kung saan sila comfortable okay?”

“Sure Mam pero ano pong sasabihin ko kung bakit na-cancel?”

“Just tell them I need to do something for the proposal papers of Mr. Martin in Davao.”

“Okay Mam.”

“Thanks!”

Nag-half day lang ngayon sina Sarah at Gerald para maghanda sa kanilang flight mamayang gabi papuntang Davao. Napaka-daming important meetings ni Sarah ang na-cancel para lang dito sa Davao flight nila pero wala siyang magagawa dahil gusto niya talagang matuloy ang project niya with Coco kaya ginawa niya na lang ang kundisyon ni Gerald kahit mejo hindi niya ma-gets kung bakit ganun yung kundisyon niya.

“Oh Ge! Naimpake ko na yung mga gamit mo.” sabi ni Nhila na nasa labas. Nakalagay na agad ang mga gamit ni Gerald sa compartment sa likod ng kotse.

“Salamat Nay! Hindi ba nakakahalata si Kim?” sabi ni Gerald.

“Hindi naman masyado.”

“Hay salamat naman!’

“Halika na!” sabi ni Fred na lumabas ng bahay.

“Alam na…..”

“Oo Ge. Sinabi ko na sa kanya! Aba’y syempre! Sino ba ang magbabalik niyang sasakyan mo diba?” sabi ni Nhila.

“Sekreto lang bro ha! Walang lalabas!”

“Oo naman! Sanggang-dikit tayo eh!” sabi ni Fred at nag-fist bump sila ni Gerald.

“Teka tatawagan ko lang si Sarah.” sabi ni Gerald at kinuha ang cellphone niya sa bulsa. “Hello Sarah?”

“Oh Ge! Andyan ka na agad sa airport! Bilis ha!”

 “Hindi! Tumawag ako kasi ako na ang magsusundo sayo at maghahatid papuntang airport.”

 “Ha? Bakit pa ikaw?! Pwede naman akong ihatid ni Mommy!”

 “Wag na. Maaabala pa si Tita tsaka same lang naman tayo ng pupuntahan tapos baka ma-late ka pa diba? Tsaka para sure na pupunta ka talaga diba?”

“Oh siya sige na! Masyado kang praning! Ako pa ang hindi sisipot? Eh di hindi napirmahan yung proposal papers diba? Babooo!”

“San ang lakad?” tanong ni Kim na lumabas nang makita ang tatlo na nagkakagulo.

“Ha… eh…. magpupunta ako sa Batangas. May imi-meet akong bagong client ng restaurant namin.” sabi ni Gerald.

“Kasama din si Fred? Bakit ako hindi pwedeng sumama? Tsaka bakit dun pa sa Batangas?”

“Hindi kasama si Fred ihahatid lang niya ako tsaka ikaw hindi ka talaga pwedeng mag-byahe! Buntis ka diba?”

“Oh siya sige na. Ako nang bahala kay Kim, Ge! Mag-iingat ka dun! Baka mahuli pa kayo!” sabi ni Nhila. Pumasok na sina Fred at Gerald sa sasakyan at tuluyan ng umalis.

“Hindi man lang siya nakapag-paalam!”

“Nagmamadali lang yun Kim! Tsaka isang araw lang naman siyang mawawala! Wag kang mag-alala!”

Mejo malamig ang treatment ni Nhila kay Kim. Sa totoo lang, lumalamig dahil nakakahalata siya sa mga ikinikilos ni Kim na parang may itinatago. Na para bang may nililihim at hindi niya gusto ang pakiramdam niya at instinct niya. Si Gerald naman ang nag-drive papuntang bahay ni Sarah. Alam pa rin talaga niya kung saan pupuntahan si Sarah.

“Mi!! Andito na sila!!!” sabi ni Sarah nang may narinig na bumusina sa labas.

“Oh sige. Sigurado ka bang nandyan na lahat ng kailangan mo?” tanong ni Divine habang papalabas sila ng kanilang bahay.

“Oo naman Mi! Si Mommy talaga oh! Ginagawa akong bata!”

“Syempre! Ikaw pa rin ang baby ko!”

“Good evening ho Tita!” bati ni Gerald na lumabas ng driver’s seat.

“Good evening din! Alagaan mo ‘tong baby ko ha!!”

“Opo naman. Makakaasa po kayo!”

“Tama na yan! Oh Babye na Mommy! See you after a day!” sabi ni Sarah at nagkiss na sa cheeks ni Divine at lumapit na sa sasakyan ni Gerald.

“Bulaga!!!!!” sabi ni Fred nang lumabas sa upuan tabi ng driver’s seat.

“Ay kalabaw!!!” gulat na sabi ni Sarah. “Fred? Kasama ka din?”

“Ay hindi! Pero sana nga! Kaso hindi eh. Ako lang yung mag-dadrive pauwi nitong kotse ni Ge!”

“Mmmmmmm!” batok ni Gerald kay Fred. “Tama na yan!!! Male-late kami sa flight! Dun ka na muna sa likod. Si Sarah na paupuin mo dito sa harap!”

“Ikaw talaga! Pinaalis mo pa si Fred!” sabi ni Sarah. “Pwede naman akong umupo sa likod pero pinaalis niya si Fred. Bakit kaya?”

“Let’s go!” sabi ni Gerald at inistart ang makina ng kotse niya at nag-drive na papuntang airport.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon