Chapter 37 - Dahil mahal kita

1.9K 35 11
                                    

Author's Note: Eto na si Superman to the rescue!!! 

Habang wala pang balita tungkol kay Gerald ay humingi na nga sila ng tulong sa mga pulis. Pumunta na ang mga pulis sa kanilang bahay at agad na itong umaksyon.

“Kelan ho ba nangyari ito?” tanong nung pulis.

“Kanina lang sa party nung apo ko.” sabi ni Nhila.

“Eh bakit hindi ho kayo agad tumawag ng pulis para mahabol pa sana namin yung mga kidnappers!”

“Ayaw namin kasi baka mamaya may gawin sila dun sa bihag kung tatawag kami ng pulis.” sabi ni Divine.

“Sino ho ba ang mga na-kidnap?”

“Yung anak kong si Sarah at yung ampon nila na si Cobbe.”

“Pero papunta dun si Gerald, yung anak ko. Nag-text kasi yung kidnapper…” sabi ni Nhila.

“Teka lang ho, nagtext? Eh di alam nila yung number niyo?”

“Oo. Kasi alam namin kung sino ang may gawa. Siya lang naman ang motibo eh.”

“Sino ba?”

“Si Sam Milby.” sabi ni Divine. “Kailangan ni Gerald ng back up. Kailangan niya ng tulong! Puntahan niyo siya hindi niya kaya mag-isa!”

“Saan ba ang lugar? Nasabi ba?”

“Oo sa Kalipan building sa likod ng abs-cbn. Yung lumang building.”

“Sige ho. Pupuntahan na namin agad!”

Nakarating na si Gerald sa lugar at siya nga lang mag-isa at wala ng iba pang kasama. Pumasok siya sa loob ng building, nagmasid-masid. Walang bahid ng kaingayan. Walang bahid ng mga tauhan ni Sam. Malaya siyang makapasok. Nakita niya si Sarah, nakaupo, nakagapos ang mga kamay, marumi, nakatulala at umiiyak.

“Gerald!!!!” nabuhayan bigla ng loob si Sarah nang makita si Gerald.

“Sarah!!! Sarah!!!!” niyakap ni Gerald si Sarah nang mahigpit at hinalikan ito sa labi. “Pasensiya na kung… pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta.”

“Okay lang yun Gerald. Alam ko naman na sasagipin mo kami at hindi mo nga ako binigo! Maraming salamat!”

“Mahal na mahal kita Sarah alam mo yan at gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita. Ano ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba nila ha?” sabi ni Gerald at chineck niya ang katawan ni Sarah. Puro may mga galos. “Si Cobbe?” nang tinanong ito ni Gerald ay bigla nalang umiyak si Sarah. Napadantay ang kanyang ulo kay Gerald.

“Gerald, I’m sorry…. I’m really really sorry…..” sobrang iyak si Sarah. “Wala na si Cobbe. Wala na siya…..”

“Heeeepppp!! Para naman akong nanonood ng isang teleserye! Patayin ko na nga ang TV!!!” sabi ni Sam. “Nakapag-reunion na pala ang love birds!!!”

“Walang hiya ka!!! Anong ginawa mo kay Sarah! Sabi mo hindi mo siya sasaktan!!! At asan si Cobbe? Asan siya!!!!” sabi ni Gerald. Sobrang galit.

“Ready ka nang makita ang anak mo? Are you sure? Ihanda mo muna ang sarili mo ha.”

“Anong bang pinagsasasabi mo ha?!”

“Okay sige. Roy ilabas mo na si Cobbe!!!” sabi ni Sam. Inilabas ni Roy si Cobbe. Duguan at wala nang buhay. Iyak ng iyak si Sarah sobra. Nabigla si Gerald sa kanyang nakita. “Oh ano? Sabi ko naman sayo i-ready mo sarili mo eh!”

“COBBBEEEEEE!!!!!!!!” ang tanging nasabi ni Gerald. Sobra siyang umiyak at nasaktan sa sinapit ni Cobbe. “Anong ginawa mo!!! Hayop ka!!!!!!!!” tinangkang bugbugin ni Gerald si Sam.

“Tama naaaa!!!!” sabi ni Sarah.

“Roy, kunin niyo ‘to! Isabit niyo!” sabi ni Sam. Kinuha si Gerald at isinabit sa harapan ni Sarah para makita kung ano ang gagawin nilang pagpapahirap kay Gerald.

“Anong gagawin niyo ha?!?!” tanong ni Sarah. “Ibaba niyo siya!!!!”

“Ano? Papatayin niyo ko ha?!” matapang na sabi ni Gerald habang siya ay iginagapos.

“Oh ayan Boss! Pwede niyo nang gawing punching bag yan!” sabi ni Roy.

“Ang sarap palang mag-BOXING SA GABI!!” sabi ni Sam sabay suntok sa tiyan ni Gerald.

“Gerald!!!!!” sigaw ni Sarah. Patuloy pa din sa pag-iyak.

“Eto pa!! Kailangan kong magpawis!!!!” sumuntok ulit si Sam nang napakalakas.

At nagpatuloy iyon hanggang sa nagsawa naman sila doon. Duguan si Gerald. Magang-maga na ang kanyang tiyan sa sobrang bugbog. Sumunod naman ay ibinaba na si Gerald mula sa pagkakasabit. Kukuryentehin naman siya. Binuhusan siya ng malamig na malamig na tubig at siya ay nanginig.

“Ano Gerald? Masarap bang maligo?!?!” sabi ni Sam sa tonong pang-aasar.

“Tama na!! Please!!! Tama na!!!!” sabi ni Sarah. “Ako naman saktan mo Sam!!!!” hingal na hingal si Sarah dahil inaatake na naman siya ng asthma.

“Sarah!!! Wag ka nang makialam!!! Inaasthma ka oh!!!” sabi ni Gerald. “Ano…. Ano pang gusto mo?”

“Ah ganun.” sabi ni Sam at inilabas na ni Roy ang pangkuryente at ginawa na ni Gerald. “Ito oh! Masarap ba!!!” sobrang nasaktan si Gerald. “Eto pa!!!!!!” inulit pa ang pangunguryente ni Sam kay Gerald. “Last nalang baka mamaya matuluyan na kita, gusto ko pa kasi ng isa. Oh!!!” itinigil na ang pagkuryente. Hinang-hina na si Gerald.

“Demonyo ka talaga….” ngaralgal na sabi ni Gerald.

“I don’t care!!! Gusto kong maramdam mo ang sakit na naramdaman ko nung nawala si Sarah sa akin!!! Pero sa ibang pamamaraan ng sakit!!!” sabi ni Sam. “Eto ang huling challenge!” inilabas ang hollow blocks at ibabagsak na sana ni Sam ang hollow blocks kay Gerald nang biglang humarang si Sarah.

“Tama na sabi eh!!!!!!” sabi ni Sarah at humarang siya kay Gerald at siya ang nabagsakan ng hollow blocks sa likod. Nabagok din ang kanyang ulo sa lakas ng impact.

“SARAHHHHH!!!!!!!” sigaw naman ni Gerald. “Sarah!! Sarah gumising ka. Gising!!!!” inalog-alog ni Gerald ang mukha ni Sarah pero di talaga ito nagigising. Walang malay. “ANO? AKO NA ISUSUNOD MO?” 

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon