Chapter 26 - Runaway and Spin the bottle

2.1K 37 10
                                    

Author's Note: Ihanda niyo po ang inyong mga sarili sa kaganapan. Jusko po!!! hahaha















Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ni Sarah, dinala ni Gerald si Sarah sa isang lugar kung saan napaka-peaceful dahil puro puno ang makikita dito. At tanaw na tanaw ang isang bundok. Dito makikita ang isang napaka-gandang view at talagang makakalimutan mo kung ano man ang iyong mga problema.








“Wow!!! Ang ganda ganda naman dito!!!” sabi ni Sarah.

“Sabi ko sayo eh! Matutuwa ka dito. Makakalimutan mo yung mga problema mo kahit sandali lang.” sabi ni Gerald.

“Madalas ka ba dito?”

“Minsan. Kapag gusto kong mapag-isa.”

“Pano mo naman nalaman itong lugar na ito?”

“Hindi ko alam eh basta nung may problema ako parang dinala lang ako dito. Parang may humihila sa akin na pumunta ako dito.”

“Waahhh!!! Sana dito nalang ako nakatira! Para wala akong pinoproblema!!!”

“Alam ko na. Mag-spin the bottle nalang tayo! Para mas masaya!”

“Spin the bottle? Eh wala naman tayong bote na dala!”

“Eto oh! Dala-dala ko yung bottled water ko. “ sabi ni Gerald at ipinakita kay Sarah. “Game!” inikot ni Gerald ang bote at tumapat ito sa kanya.

“Oh sayo natapat kaya ako magtatanong.”

“Okay!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon