Chapter 18 - Glued on my mind

2K 29 6
                                    

Matapos ihatid ni Sam si Sarah sa bahay, kapansin-pansin pa din kay Sarah na halatang na-apektuhan siya sa muli nilang pagkikita ni Gerald kanina sa seminar. Tila para bang ang lakas ng impact pa din kay Sarah ni Gerald at hindi niya maialis sa kanyang isip ang lalaking minsan ay sinabihan na siyang mahal siya nito.

“Baby! Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Divine na nakita si Sarah sa may garden. Nag-iisa. Nag-iisip.

“No mommy. Matutulog narin ako maya-maya.” sabi ni Sarah.

“It seems you’re sad baby. Come on! Kilala kita!”

“I’m just nervous para bukas. May interested kasing bumili ng stocks sa company natin and malaki yun so I really have to convince them.”

“Are you sure na yun lang talaga ang problema?”

“Magsi-sinungaling na sana ako but mothers really have instincts! Alam kong hindi siya convinced. Kaya sige na nga sasabihin ko na sa kanya.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Pero mommy honestly, hindi naman talaga yun yung main problem ko eh.”

“Sabi ko na nga ba eh! I know you! Nanay mo talaga ako!” sabi ni Divine. “So ano yung problema mo?”

“Mi, remember nung nagbakasyon ako 4 years ago sa Davao?”

“Yes. And then?”

“Pinakilala ko naman sayo nung na-hospital ako si Nay Nhila at Fred diba? Tapos yung isang anak ni Nay Nhila, si Gerald….”

“Gerald? Siya ba yung lalaking muntikan nang masagaan nung driver natin before nung papunta na tayong airport?”

“Yeah! Yeah! Tama! Natandaan mo pa yun Mommy?”

“Oo naman! Ano naman akala mo sakin! May memory gap na?! Oh tapos? Anong meron sa kanya?”

“Nagkita kami kanina sa seminar.”

“Oh?! Nagkita kayo?! Diba siya yung sinasabi mo sakin before na may gusto sayo? Then for some time, nagkagustuhan kayo, naging close kayo?!”

“Bata pa nga talaga si Mommy. Alam na alam pa din niya yung nakaraan!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Eh mommy pano yan!! Bumalik siya ulit dito!”

“Ano namang problema dun? Nako ikaw ha! Malapit ka nang ikasal kay Sam tandaan mo!” sabi ni Divine.

“Yun na nga Mommy eh!”

“Anong yun na nga mommy? Bakit? Wag mong sabihin na nagdududa ka sa pagmamahal mo para kay Sam?”

“Honestly, yes. Hindi ko alam kung sino itong tinitibok ng puso ko. Mahal ko si Sam. Mahal pero si Gerald? . . . . mahal na mahal?“ ito ang mga nasa utak ni Sarah pero pinili niya nalang mag-sinungaling dahil hindi naman talaga siya sigurado pa. “No… hindi… mahal ko si Sam. Kaya ko nga siya pakakasalan diba Mommy?”

“Anak, baby, I just want the best in you okay? Wag mo kaming gayahin ng Daddy mo na hindi naging successful yung marriage. Ang sa akin lang, kahit sino namang lalaki dyan okay lang sa akin basta ang importante yung mahal mo at gusto mo okay? Yun lang naman ang akin Sarah. Wag mong ipipilit ang hindi mo gusto. Wag mong gugustuhin ang ayaw mo. Wag mong mamahalin ang hindi mo naman talaga dapat mahal. At higit sa lahat, wag mong itago ang totoo mong nararamdaman dahil baka sa huli magsisi ka dahil wala na.” mahabang pangaral ni Divine kay Sarah.

“Tama si Mommy. Mothers know best talaga! Napapaisip na talaga ako ngayon pa lang. Feeling ko si Gerald. Feeling ko si Gerald ang mahal ko. Hay ewan! Ang gulo!!! Meron pa naman akong mga araw bago magpakasal.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Yes of course. I will keep that in mind mommy.”

“Good! Hindi ka pa ba matutulog? It’s getting late! Diba may meeting ka pa bukas?”

“Oo nga pala! Tara na Mommy!” at sila ay pumasok na at umakyat sa kanilang mga kwarto para matulog.

Kung si Sarah ay na-glue na talaga sa kanyang isip si Gerald. Ganun din naman si Gerald. Hindi naman talaga nawala sa isip niya si Sarah simula pa nung nasa Davao pa sila. Nangako siya sa sarili niya na magkikita silang muli ni Sarah at yun nga ay nangyari na after 4 years!

“Daddy!!! Daddy naman eh!!!” sabi ni Cobbe na kanina pa siya hindi iniimik ni Gerald dahil kanina pa ito wala sa kanyang sarili.

“Ah.. yes… yes Cobbe? Ano yun?” tanong ni Gerald kay Cobbe nang ito’y bumalik sa ulirat.

“Kanina pa kita tinatawag eh pero hindi mo naman ako pinapansin! Ano ba kasi yang mga nasa isip mo?”

“Wala naman baby boy. Madami lang talagang iniisip si Daddy nitong mga nakaraang araw. Yung negosyo natin. Yun!”

“Ah okay. Could I ask something?”

“Sure. Ano yun?”

“Diba sinabi mo sakin kanina sa seminar na iku-kwento mo sakin yung kay Miss Beautiful! Now is the time Daddy!”

“Miss beautiful?!?”

“Yes Daddy!!! Miss Beautiful ang tawag ko kay Ate Sarah na ngayon.”

“Bakit naman?”

“Kasi Daddy, ang ganda ganda niya talaga! Hindi ko siya makalimutan! So sige na Daddy! I-kwento mo na! Ang daya mo naman eh!”

“Talino naman talaga nitong batang ‘to! Biruin mo naalala niya pa na sinabi ko yun to think na 4 years old palang siya! Ano na naman kaya ang gagawin kong palusot dito?!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. “Cobbe diba you’ll sleep na? I told you na kailangan 8 hours or more ang sleep ng isang growing kid like you.”

“Pero Dad! Nag-promise ka sa akin eh!”

“Oh sige na nga! Para matapos na.”

“Yey!! Pano mo nakilala si Miss Beautiful? Close ba kayo?”

“Ganito kasi yun baby boy, nagbakasyon si Ate Sarah sa Davao dati kung saan nakatira sina Daddy, Daddy number two at si Mamita mo. Eh tapos mejo bad si Ate Sarah noon!”

“Bad? Bakit bad? Anong ginagawa ni Miss beautiful?”

“Masungit siya noon! Eh dati kasi mahirap pa lang kami, nagta-trabaho kasi kami sa Daddy niya. Ako bilang driver.”

“Tapos ano pang mga nangyari? I want more!”

“Nako Cobbe! It’s a very very long story!”

“Oh sige na nga pero do you like Miss Beautiful?”

“Nako naman! Pano ko ba sasagutin? Bahala na! Ilantad na!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. “Oo. Happy?”

“Ah okay. Hanggang ngayon?”

“Okay! Dun na mag-stop. Di naman kailangan masagot yan agad. You sleep well okay?”

“Sige na nga Daddy! You can pass out!”

“Good boy!” sabi ni Gerald at inayos ang higaan ni Cobbe para matulog. “Good night baby boy! I love you.”

“I love you too Daddy!” sabi ni Cobbe. “By the way, I like Miss Beautiful for you. Bagay kayo!!!”

“Cobbe? It’s not a 4 year-old thing!” sabi ni Gerald. “Good choice Cobbe. Mana ka pala sa Daddy mo eh.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon