Chapter 24 - Confession

1.9K 23 5
                                    

Hindi maka-get over si Gerald sa sobrang saya na kanyang nararamdaman dahil sa pagdi-dinner ni Sarah sa kanyang bahay. Iniisip niya na mas lalong masaya kung si Sarah ay magdi-dinner bilang girlfriend niya o bilang fiancée. Jackpot! “Hindi naman masama mangarap diba?” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. Pero hindi pa din niya maiwasan na maisip ang mga nangyari kay Sarah at Sam. Ang kanilang matinding pagsasagutan sa kumpanya nina Sarah kanina.

“Mukhang ang laki ng ngiti natin ngayon dyan ha!” sabi ni Nhila na sinamahan si Gerald na nakaupo sa kanilang garden.

“Oo naman Nay! Syempre, nagkita na kami ulit ni Sarah!” sabi ni Gerald.

“Hmmm….wag mo kong lolokohin Ge! Yun lang ba talaga? Feeling ko may iba pa eh!”

“Syempre Nay kasama na dun yung nakasama ko siya ulit sa dinner. Grabe noh Nay! Marunong pa rin siyang magkamay!”

“Oo nga eh. Natutuwa naman ako dahil naging bahagi tayo ng pagbabago ng kanyang pamumuhay. Naging simple na siya ha!”

“Kaya nga hindi nawala yung pagmamahal ko para sa kanya eh.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili at bigla siyang nanahimik.

“Hoy! Nanahimik ka dyan? Nako nako!! Ikaw nga Ge, anak kita. Kilala kita!”

“Bakit Nay? Ano na naman?”

“Mahal mo pa si Sarah noh?”

“Nay?!”

“Nako! Namumula na yang tenga mo! Huli ka na Ge! Wala ka nang kawala!! Sabihin mo na nang matapos na yang pamumula ng tenga mo!”

“Oo na nga! Sige na nga Nay! Oo, mahal ko pa si Sarah!!!” sabi ni Gerald. “Alam mo Nay sa totoo lang hindi naman nawala yun eh. Hindi ako nagsawang mahalin si Sarah at araw araw sa apat na taon, lalo lang siyang napapamahal sa akin lalo pa ngayon na nagkita na kami ulit.”

“Awwww. Ang anak ko! Pero Ge, alam mo naman ang sitwasyon ni Sarah diba?”

“Oo Nay. Alam ko. Kaya ang gagawin ko nalang ay maghintay nang pagkakataon na mahalin naman ako ni Sarah. Hindi ko naman gawain na magsira ng relasyon.”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon