Chapter 15 - Ang Pag-gising ni Sarah

2.1K 29 2
                                    

Isinugod na sa hospital si Sarah at hanggang ngayon ay di pa din siya nagigising. Lahat sila ay nag-aalala. Pinakanag-aalala ay si Delfin at ang susunod na dun ay si Gerald. Nasa kwarto silang lahat at inaantay ang pagka-gising ni Sarah.

“Sir Delfin, lalabas lang po muna kami ni Gerald. May pag-uusapan lang po kami.” sabi ni Nhila.

“Meron ba---“ sabi ni Fred at natigil siya ng paluin siya ni Nhila. “Aray!”

“Sige Nhila.” sabi ni Delfin na halatang malungkot pa din dahil hindi pa gising si Sarah.

“Dito ka lang!” sabi ni Nhila at lumabas silang dalawa ni Gerald.

“Nay, ano bang pag-uusapan natin? Baka magising si Sarah wala ako dun!” pag-aalala ni Gerald.

“Gerald, umamin ka na nga sakin tutal naman sinabi na sakin ni Fred ang lahat na may gusto ka kay Sarah!” sabi ni Nhila.

“Oho Nay! Sige na! Oo may gusto ho ako sa kanya at nasabi ko na yun sa kanya!”

“Ge naman! Diba sinabi ko naman na----“

“Wag papatusin? Nay naman! Hindi ko nga mapigilan yung nararamdaman ko para kay Sarah eh! Lagi kaming magkasama! Lagi ko siyang binabantayan! Unti unting nahulog yung loob ko sa kanya!”

“Pero tingnan mo ang nangyari! Iniiwasan ka na tuloy!”

“Wala na akong pakialam Nay basta mahal ko si Sarah! At least nasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Wala na kong bigat dito sa dibdib ko! Sana naman Nay intindihin mo rin yung nararamdaman ko!”

“Halika nga dito.” sabi ni Nhila at lumapit si Gerald. “Pasensiya ka na anak kung naghigpit ako sayo tungkol kay Sarah pero sa nakikita ko, mahal mo nga talaga siya kaya hindi na kita pipigilan dahil wala na akong magagawa eh. Ang sa akin lang sana pang-ingatan mo ang sarili mo ha.” hinug niya si Gerald. At may nakitang babaeng papasok sa kwarto ni Sarah.

“Sino yun? Baka mommy ni Sarah!” sabi ni Gerald.

“Halika pasok tayo nang malaman natin.” at pumasok na rin sila sa kwarto.

Nanggagalaiti si Divine na pumasok sa kwarto ni Sarah dahil hindi niya akalain na mangyayari ang lahat ng ito kay Sarah. Ipinagkatiwala niya si Sarah kay Delfin tapos eto lamang ang nangyari kaya mas lalong dumoble pa ang galit niya kay Delfin. Nandoon pa din sa loob ng kwarto ni Fred kasama na sina Gerald at Nhila. Hindi pa din nagigising si Sarah.

“Anak? Baby? Andito na si Mommy! Gising ka na! Uuwi na tayo ng Manila. Diba yun ang gusto mo?” sabi ni Divine habang hawak hawak sa kamay si Sarah. No reaction pa din.

“Ano? Uuwi ng manila? Si Sarah pagkatapos niya magising? Eh di magkakahiwalay na kami?” ito ang mga nasa isip ni Gerald habang naririnig ang usapan nila.

“Tignan mo ginawa mo kay Sarah!!!! Nilunod mo siya!!!” sabi ni Divine.

“Hindi ko siya nilunod!!! Nalunod ang anak natin nang hindi sinasadya!!!” sabi ni Delfin.

“Pinapunta ko siya dito, pinagkatiwalaan ko siya sayo tapos eto ang gagawin mo? Ha?!?!”

“Eh hindi naman sinasadya ang mga nangyari Divine eh! Sino ba naman ang may gusto na mangyari ito sa kanya?”

“Alam mo nung malaman niyang pupunta siya dito? Ayaw na ayaw niya! Kung hindi lang dahil sa annulment at kahilingan mo bago mo pirmahan yun, hindi na sana nangyari ito!!!! Sana kasi noon pa pinirmahan mo na nang tapos ang usapan!!!”

“Oh sige! Para matapos na ang lahat ng ito! Pag nagising na si Sarah, pipirmahan ko na ang annulment natin nang matigil ka lang! At pwedeng-pwede na kayong bumalik ng maynila!!!!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon