Chapter 43 - Mothers knows best

1.2K 22 3
                                    

Hindi pa din napapaliwanag ng maayos ni Gerald kay Nhila kung bakit pag-uwi niya ay napaka-laking pagbabago ang dulot sa kanya ng US. Bakit bigla nalang siyang nagkaroon ng girlfriend. Dumating na ang pagkakataon para kay Gerald na makapagpaliwanag ng masinsinan sa kanyang nanay na si Nhila. Nagkaroon na siya ng lakas ng loob.

“Buti naman at kakausapin mo na ako tungkol kay Kim!” sabi ni Nhila.

“Sorry Nay eh kailangan ko lang mag-ipon ng lakas ng loob.” sabi ni Gerald.

“Oh eh bakit naman? May ginawa ka bang sobrang sama kung bakit ka natatakot dyan! Tsaka nanay mo naman ako ah!”

“Hindi Nay basta….”

“Oh sige. Simulan ko na ha! Anong nangyari sa US? Pano mo naging girlfriend si Kim?” naging seryosong tanong ni Nhila.

“Nay, wag kang mabibigla ha… pero buntis si Kim.”

“Ano?!? Buntis?!?!”

“Nay! Diba sabi ko naman na wag kang mabibigla?”

“Panong hindi ako mabibigla! Ano kamo? Buntis? Pano nangyari yun?”

“Kasi nung pagkadating ko sa US, mejo lutang ako. Nagba-bar ako. Naglalasing tapos nakilala ko si Kim. Tapos ayun, pagkagising ko nasa hotel nalang kami parehas. Tapos kinon-tact niya ko sinabi niya ng suka siya ng suka tapos nung nag-pregnancy test kami, positive.”

“Nako jusko po Heraldo naman!!! Alam mo naman na may girlfriend kang naghihintay dito sa Pilipinas ah!!! Sobrang loyal sayo ni Sarah.”

“Alam ko yun nay. Alam ko. Kaya nga sobra sobra akong nasasaktan dahil sa ginawa ko sa kanya eh hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng hindi ko inaasahan!”

“Pano na si Sarah? Nasabi mo na ba sa kanya?”

“Nasabi ko na nay!” malungkot na sabi ni Gerald kay Nhila. “At alam kong nasaktan ko siya ng sobra sobra. I’m sorry Sarah.”

“Anong reaksyon niya? Sobrang sakit nun!”

“Nagulat siya nay pero alam ko nararamdaman ko na nasaktan ko siya!!!”

“Hay nako! Ikaw naman kasi Ge eh! Kasalanan mo din naman. Oh eh anong plano? Pakakasalan mo ba si Kim? Alam na ba ng mga magulang niya na andito siya?”

“Nandito sa Pilipinas mga magulang niya. Alam na rin nila ang tungkol sa mga nangyari sa US. Yung tungkol sa kasal…. hindi ko pa alam… kasi….”

“Kasi ano?”

“Mahal ko pa si Sarah. Mahal na mahal. Hindi nawala yung pagmamahal ko sa kanya Nay!!! Hindi!!!!” sabi ni Gerald na maluha-luha na. At sa buong pag-uusap nila ni Nhila ay nakikinig si Kim. Nagtatago lamang siya sa isang pader.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh!!! Bakit pa kasi sa lahat lahat ng maga-unwind eh sa US mo pa napili eh alam ko na maraming tukso dun!!! Anong balak mo ngayon?”

“Hindi ko alam nay!! Hindi ko alam!! Gulong-gulo na ko!!!”

Tinatagan lamang ni Sarah ang kanyang sarili buong araw. Pinilit niyang maging matatag pero sadyang napaka-powerful ang sakit na nadarama ng kanyang puso. Iba nga talaga kapag nasasaktan ka dahil sa pagmamahal. Sobrang naapektuhan ang buong pagkatao ng isang tao.

“Baby, do you have problems?” tanong ni Divine nang makita si Sarah na nag-iisa sa garden. “Come on. Alam kong meron.” pagkatango ni Sarah ay agad namang bumuhos ang kanyang luha. “Oh what happened? Anong nangyari?”

“Mi may girlfriend na si Gerald.” sabi ni Sarah. “Kaya pala minsan wala kaming communication yun pala may ginagawang milagro!!!!”

“Ano?!? Sinabi niya ba sayo kung bakit? Pano naman siya nagkaroon ng girlfriend knowing na ikaw ang girlfriend niya bago siya umalis dito?”

“Hindi ko nga rin maintindihan eh!!! Pano niya ako nagawang lokohin!!!”

“Did he explained it to you why?”

“NO.”

“Did you ask his explanation?”

“NO.”

“Bakit? You owe an explanation from him!!! And of course gusto niya rin na ipaliwanag sayo!!!”

“For what? Masasaktan lang ako!!!”

“Syempre ikaw ang original girlfriend bago umalis papuntang US. I’m sure may explanation siya syempre!”

“Ayoko nang marinig. I just want to forget and…. forget.”

“Eh asan ang forgive?”

“Hindi pa bukas ang puso sa para magpatawad basta I just want to move on. Kalimutan na ang lahat! Ang tanga tanga ko!!! Naghintay ako ng isang taon for him! Naniwala ako sa pangako niya!!!”

“You’re just in love okay? That’s love. Yun ang isipin mo. Ganun mo siya kamahal and you’d do anything for him!”  

Author's Note: BUNTIS nga si Kim!!!! At inamin ni Ge na mahal niya pa rin si Sarah :) Nakow! Ano kaya ang mga susunod na pangyayari? Abangan!!!

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon