Chapter 11 - Something special going on???

2.2K 34 4
                                    

Inamin na nga ni Gerald na may gusto siya kay Sarah. Hindi na rin pala nila ginising si Sarah dahil alam nilang pagod na pagod ito at mejo naaawa si Gerald dahil alam niyang puyat din ito. Dahil nakatulog si Sarah ay hindi na rin siya nakakain. Habang tulog na ang mga tao ay nagising siya at nakaramdam ng gutom.

“My gosh! Ang sakit ng balakang ko! Yung arms ko everything! Lagot talaga sakin yang si Gerald eh! Hindi pa tuloy ako nakakain!” sabi ni Sarah nang patuloy ang kanyang pagkain. May narinig siyang kaluskos. “Who’s there?”

“Gising ka pala?” sabi ni Gerald.

“Mukha ba kong tulog?!”

“Baliw!” sabay kuha ni Gerald ng tubig. Nagising pala siya pala kumuha na maiinom.

“Ikaw ang baliw dyan! Tinatanong mo pa ko kung gising ba ako!” sabi ni Sarah. “Makakatayo ba ako at makakapunta dito at makakakain kung hindi ako gising!?!”

“Ang ibig kong sabihin dun bakit ka nagising!”

“Nagutom kasi ako.” sabi ni Sarah at naalala niya yung pahirap na pinagawa sa kanya ni Gerald. “Hoy!! Alam mo bang sumakit yung balakang ko, yung braso ko, yung buong katawan ko!!!”

“Ikaw ang babaeng OA noh? Maniwala ako sayo! Ang liit liit lang ng bahay namin eh!”

“Totoo nga!!!”

“Okay lang yan! Natuwa nga kami eh kasi ang ganda ganda nung bahay!”

“Talaga?!? Thanks!” natuwa naman si Sarah sa sinabing iyon ni Gerald.

“May gusto nga pala akong sabihin.” biglang naging seryoso si Gerald.

“Ano yun?”

“Gusto ko nga palang mag-sorry dahil sakin inatake ka ng asthma mo.”

“Totoo ba itong naririnig ko? Bingi na ba ako? Nagso-sorry siya sakin? Marunong naman pala itong mag-sorry eh!” sabi ni Sarah sa sarili. “Wala na yun! Basta may inhaler, okay ako!”

“Hindi pa din. Dapat hindi kita ginulat.”

“Eh hindi mo rin naman alam na may asthma ako diba? Kaya okay lang!”

“Sarah, matanong nga kita. Kung okay lang sayo.” sabi ni Gerald. “Tatanungin ko sana kung anong meron sa kanila ni Sir Delfin. Okay lang kaya?”

“Ano yun?”

“Bakit ka ba galit na galit kay Sir Delfin? Tsaka bakit ngayon lang namin nalaman na may anak pala siya?”

“The Buzz ba ito? Grabe yung mga tanong mo ha!!!” sabi ni Sarah. “Bakit naman niya tinatanong? Di ko naman siguro kailangang sagutin yan diba?”

“Okay lang naman kung ayaw mong sagutin pero kung sasagutin mo, pwede mo naman ako tanungin. Isa lang ha!”

“Okay deal! Alam mo kasi ganito yun, malaki ang galit ko sa kanya dahil iniwan niya kami para sa lupain niya. Mas pinili niya ito pati kayong mga tauhan niya kesa sa amin. Yun din yung reason kaya hindi niyo ako nakilala.”

“Iniwan para sa amin at ang lupain? Pero sinabi sa akin ni Sir na tumupad lang daw siya sa pangako sa tatay niya? Ewan!” ito ang tumakbo sa isip ni Gerald nang malaman ang sagot sa kanyang mga tanong. “Hindi mo man lang ba kinausap si Sir Delfin kung bakit niya kailangang iwan kayo?”

“What for? Tsaka sinabi niya na kailangan daw siya sa lupain ni Lolo!” sabi ni Sarah. “Tama na nga at ako’y naba-bad vibes! Ikaw naman ang tatanungin ko.”

“Okay sige.”

“Bakit ba mahal na mahal mo yang tatay ko? Anong meron sa kanya?”

“Alam mo kasi Sarah, mabait talaga ang Daddy mo! Alam mo bang nasunugan kami tapos wala naman kaming ibang mahingan ng tulong kaya siya lang yung naisip namin. Ayun pinatuloy kami dito ng libre kaya nga malaki ang utang na loob namin sa kanya eh.”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon