Chapter 17 - Nagkita muli sa CR

2.1K 35 5
                                    

“Grabe naman pala ang mga ganap ng summer mo sis!” sabi ni Shin habang nasa labas sila ng comfort room. Hinihintay nila ang kanilang mga boyfriends na nasa loob pa.

“Oo! Grabe talaga! Ang tagal mo kasi sa Europe kaya wala ka nang update sa akin!” sabi ni Sarah.

“Ikaw kasi eh! Di mo ko tinatawagan. Eh may balita ka pa ba dun kay Gerald?”

“Wala na eh!”

“Hindi mo ba talaga nagustuhan si Gerald ever?” sabi ni Shin pero walang imik si Sarah. “Uyyyy! Silence means yes!!!” pang-aasar niya pa kay Sarah.

“Honestly, nagustuhan ko siya. Napalapit ang loob ko sa kanya.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Hindi!” pagdedeny niya kay Shin. “Magkaibigan lang talaga kami ni Gerald!”

“Okay. I’ll take that answer!”

“Ikaw! May pa-ganyan ganyan ka pang nalalaman ha!!!” sabi ni Sarah. “Asan na ba kasi sila---“ natigilan si Sarah nang makita niyang muli ang di niya inaasahang makita. “OMG! Bakit siya andito?!”

Nung binenta ni Delfin ang kanyang mga lupain sa Davao bago siya umalis papuntang US, yung pinag-bentahan nun ay nagtabi siya ng konti para sa sarili niya at yung iba ay pinamudmod niya sa kanyang mga tauhan kabilang na sina Gerald at ang pamilya nito. Ginamit ni Gerald sa tama ang pera. Nagpunta sila ng Maynila at nag-aral muli silang dalawa ni Fred. Pagkatapos nun ay nagtayo sila ng negosyo at lumago. Sa katunayan, isa na siyang magaling na chef katulad ni Sarah. Dahil nga may seminar ang lahat ng chefs, si Gerald ay dumalo kasama ng kanyang kapatid na si Fred.

“Sarah?!?” sabi ni Gerald nang makita niya si Sarah sa labas ng comfort room. “Hindi nga ako nagkamali! Nagkita nga kaming muli! Hindi pa din siya nagbabago. Ang ganda ganda pa rin niya. Mukha pa rin siyang anghel.”

“OMG!! Ikaw ba si Gerald?” sabi ni Shin.

“Yes?”

“Tumigil ka dyan!” sabi ni Sarah. “Pagpasensiyahan mo na itong loka-loka kong kaibigan ha! By the way, anong ginagawa mo dito? Tsaka ibang-iba na ang look mo ngayon ha! Hindi na probinsyano!”

“Oo nga eh. Mahabang kwento.” sabi ni Gerald at biglang lumabas si Cobbe sa comfort room.

“Daddy!!!” sabi ni Cobbe.

“Hey baby! Andyan ka na pala eh!”

“May anak na siya?!?” gulat na gulat na mga tanong ni Sarah sa kanyang sarili. “Ang cute naman niya! Sino siya?”

“Ah. Cobbe, meet Ate Sarah. Friend ni Daddy.” sabi ni Gerald.

“Hello po Ate Sarah!!!” sabi ni Cobbe.

“Hello! Ang cute mo!!” sabi ni Sarah.

“Thank you po!!!” sabi ni Cobbe.

“Alam ko na ang mga tumatakbo sa isip ni Sarah ngayon. Iisipin niya sigurong may asawa na ako.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

“So may anak na siya. It means, may asawa na siya! Okay. Understandable naman eh. 4 years na naman yun mga nangyari sa Davao. I know nakalimutan na niya yung feelings niya para sa akin! Tsaka bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay! Erase!!!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili.

“Andyan na pala sila eh!” sabi ni Shin at nagsilabasan na ang kanilang mga boyfriends. “Sige Sars, mauna na kami ni Christian. Sunod kayo ha!”

“Buti nalang at lumabas na sila!!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Sige Shin. Sunod kami.”

“Sino siya?” tanong ng boyfriend ni Sarah. “Do you know him?”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon