Chapter 10 - Ang Kalabaw. Bow!

2.1K 34 9
                                    

Ang rason kung bakit nasabi ni Gerald na kailangang magaling mag-pisil si Sarah sa pupuntahan nila ay yun pala ay mag-gagatas sila na kalabaw. Walang kamalay-malay si Sarah dahil ang iniisip pa rin niya ay yung kababuyan o kabastusan ng utak ni Gerald.




“Hoy asan na ba tayo?” tanong ni Sarah na nagmamasid-masid sa paligid.

“Hindi mo ba nakikita? Nasa kalabawan tayo!” sabi ni Gerald habang papasok sila kung saan nakatira ang mga kalabaw.

“Oh tapos? Anong gagawin natin dito?”

“Di ba sinabi ko naman sayo na kailangan magaling kang mag-pisil? Yun dito mo kailangan yun!!”

“Ha?!? Hindi kita maintindihan.” sabi ni Sarah at nilayasan na siya ni Gerald. “Hoy! San ka pupunta?! Kinakausap pa kita eh!!!” pumunta na rin siya kung nasaan si Gerald.


“Good morning ho Mam Sarah!” sabi nung haciendero.

“Good morning!” sabi ni Sarah na wala man lang kagalang-galang. Napansin naman ito ni Gerald.

“Teka lang ho ah. May hihilahin lang akong dila dito.” sabi ni Gerald at hinila sa tabi si Sarah at pinagsabihan. “Hindi ka ba talaga marunong gumalang?”

“Marunong!”

“Oh marunong ka naman pala eh bakit hindi ka marunong mag-sabi ng po at opo?”

“Marunong din naman ako! Di naman ako pipi. Nakakapagsalita ho ako?!”

“Pilisopo ka ha! Ang ibig kong sabihin MAM SARAH, gumalang sa matanda. Sa kahit na sinong matanda sa pagsabi ng po at opo, bakit kay Manong Julio di mo masabi?”

“Ah. Yun ba?!? Ang laking issue ha!” sabi ni Sarah at pumunta kay Manong Julio. “Hello po Manong Julio! Pasensya na po kayo kung natarayan ko kayo ha, puyat lang kasi ako. Masyado naman kasi itong commander ko eh. Ang aga mang-gising.” pabulong niya itong sinabi kay Manong at natawa ito.

“Ah ganun ba?” sabi ni Manong Julio na natatawa tawa pa din at napansin ito ni Gerald.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon