Chapter 21 - Malaking eskandalo

2K 37 7
                                    

Sobrang bothered pa din talaga si Sarah sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa kanila ni Sam. Hindi lubos maisip ni Sarah na kung bakit naging ganun si Sam na kung dati rati nung bago pa lang silang magka-relasyon ay hindi naman siya ganun magalit pero di kalaunan ay grabe na kung magalit. Ganun nga talaga. Sabi nga nila, habang tumatagal dun mo talaga makikilala ang ugali ng isang tao. Nag-park si Sarah at lumabas.

“Sarah?” sabi ni Gerald na kalalabas lang din ng kotse sa car park.

“Ge?” sabi ni Sarah at tiningnan ang magarang sasakyan ni Gerald. “Wow ha! Asensado ka na talaga! Naka-BMW ka pa!”

“Hindi naman! Tinutupad ko lang yung mga pangarap ko sa buhay na kung dati akala ko di ko na maabot, kaya ko palang maabot!. Ikaw nga dyan! Naka-Jaguar ka pa! Wala ka bang driver?”

“Wala na eh. Namatay na si Manong Jerry. Yung lagi kong driver eh siya lang naman yung pinagkakatiwalaan ko eh kaya ayoko nang kumuha ng bago.”

“Ay! Sorry about that.”

“Okay lang.” sabi ni Sarah. “So pano? Halika na! Sabay na tayong pumasok.”

Sabay nga silang pumasok sa loob ng kumpanya. Sabay sumakay ng elevator at sabay pumasok sa floor kung saan nakalagay ang kani-kanilang office. Bigla silang nagulat at nagtaka kung ano yung kaguluhan na nangyayari sa loob. Parang may nagwawalang lalaki. “Parang kilala ko na ‘to. Oh my God! Not again!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili.

“Sir, huminahon ho kayo. Wala pa po si Mam Sarah!” sabi nung sekretarya.

“Oh si Sam yun ah!” sabi ni Gerald.

“Hay! Ito na naman.” sabi ni Sarah at lumapit kay Sam.

“Grabe! Ganito ba sila mag-away?” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

“Sam!!! I’m here!!!”

“Oh! There you are! Buhay ka pa pala? Akala ko hindi na eh! You’re just on hiatus in just one snap! Anong nangyari?!?” sabi ni Sam.

“Wag dito. Let’s go inside. Come on!”

“Bakit? Ayaw mong malaman nila yung mga pinaggagawa mo ha? Yung mga…..” sabi ni Sam at pinagtitinginan na sila ng mga tao.

“Ano bang nangyayari? Tsaka ganyan ba talaga si Sam? Kawawa naman si Sarah! Tulungan ko kaya?” sabi ni Gerald.

“ANG SABI KO SA LOOB!!!” sabi ni Sarah na sumigaw. Pumasok naman si Sam. “Papasok ka rin pala eh. Back to work everybody!!!”

“Will you please explain kung ano yung nangyari kahapon?” sabi ni Sam.

“I was out the whole day.” sabi ni Sarah.

“Bakit nga? Diba pinaalala ko naman sayo na may meeting tayo with the wedding coordinator? Nakalimutan mo nalang yun? Tapos ni-text ni-tawag wala!!!”

“I’m sorry. Nawala sa loob ko.”

“Nawala sa loob? Teka nga! Sino ba yung kasama mo kahapon? Lalaki mo?”

“How dare you?!? Si Gerald ang kasama ko kasama yung anak niya.”

“Ah… si Gerald? Yung friend mo dati sa Davao! Bakit? Anong meron? At mukhang happy family na ah!!!”

“Ano ba ‘tong si Sam! Parang hindi ko na kilala! Bakit ganyan siya?!” sabi ni Sarah. “Inaya kasi ako nung anak niya and I can’t resist. Nakakaawa yung bata dapat hindi ako papayag eh pero nalungkot siya.”

“Ah so mas prioritize mo sila kesa sa boyfriend mo? Or should I say fiancée pala! Tapos parang ako lang ang nag-aasikaso ng kasal natin ha! Tell me the truth, do you still want to get married?!”

“Nako eto na! Hindi ko alam kung ano isasagot ko.” sabi ni Sarah. “You know what Sam, pagod na ko makipag-away. Hindi ka naman dati ganyan magalit. You’ve changed!!!”

“Sarah, you didn’t answer my question!! Do you still want to get married?”

“You want an answer?! Then I’ll give you! Honestly, I don’t know. Happy?” sabi ni Sarah at nag-walk out si Sam.

“You ruined our relationship!!!” galit na galit na sabi ni Sam nang makasalubong niya si Gerald malapit sa pintuan ng opisina ni Sarah.

“Bakit ako? Ano bang nangyari sa loob?” sabi ni Gerald at pumasok sa loob ng opisina ni Sarah si Gerald at nakitang lumuluha si Sarah. “Sarah, okay ka lang?”

“Mukha ba akong okay?! Anong klaseng tanong yan!!! Tsaka anong ginagawa mo dito?!” sabi ni Sarah.

“Gusto kong malaman kung kamusta ka. Sarah, okay lang sa akin kung sasabihin mo sa akin kung anong nangyari. Kailangan mo yan ilabas para maging magaan yung loob mo.”

“Hindi ko alam Ge. Parang nag-iiba na si Sam! Hindi na siya yung kilala kong boyfriend na very understanding.”

“Bakit? Ano bang nangyari? Anong pinag-awayan niyo?”

“Ikaw.”

“Ako?! Bakit?”

“Dahil kahapon. Diba nga sinabi ko sayo na nakalimutan ko na may meeting kami sa wedding coordinator namin tapos hindi ko man lang siya tinext o tinawagan. Nawala talaga sa loob ko.”

“Dun lang siya nagalit? Ang babaw naman niya!!”

“Eh kasi ang sabi niya mas inuna ko pa daw kayo kesa sa kanya.”

“Diba sinabi mo naman na nawala sa loob mo? Bakit hindi niya maintindihan? Tsaka hindi ka naman nagsingungaling eh! Dapat nga matuwa pa siya dun!”

“Daddy!!!!” sabi ni Cobbe na papasok sa loob ng office ni Sarah.

“Oh? Cobbe! Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakarating dito?” tanong ni Gerald.

“Hinatid ko ni Daddy number two.” sabi ni Cobbe. “Bakit ka umiiyak Miss Beautiful? Pinaiyak ka ba ni Daddy?”

“Daddy number two? Dalawa ang Daddy ni Cobbe? So ibig sabihin… ewan! Ang gulo!!” sabi ni Sarah. “Ay! Hindi ang Daddy mo.”

“Eh sino?”

“Yung fiancée ko Cobbe. Nag-away kami eh.”

“Bakit naman? Gusto mo awayin din natin? Paiyakin din natin?!”

“Cobbe? Bad yan! Tsaka masyado ka nang matanong bata ka ha!!” sabi ni Gerald. “Sarah, kung gusto mo pumunta ka nalang sa bahay. Kinukumusta ka kasi ni Nanay eh tsaka ni Fred!”

“Oo nga Miss Beautiful tsaka para mag-smile ka na ulit!” sabi ni Cobbe.

“Ha? Oh.. oh sige.” sabi ni Sarah.

Author's Note: Yun na!!! Naging war na nga! :) Anong mangyayari sa pagpunta ni Sarah kina Gerald? Abangan! 

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon