CHAPTER 50

535 19 0
                                    

Neil

"Oh diba ang bilis?" Tanong ni Pan.

"Ilang months nalang magkakahiwalay na ang mga landas natin." Sagot ni Rose.

"Ako masaya na ako na kahit sandali ay nakasama ko kayo." Amanda said.

"Ahh basta kaming tatlo sasama kami kay Neil." Umakbay si Gail saakin.

"Hoy. Napakagaling niyo mag-emote." Napatingin kaming lahat kay Kurt. "Just relax, hindi pa naman tayo pupunta ng college eh."

"Oo nga naman." Pagsasang-ayon ko. "Magiging seniors pa tayo."

"Senior Citizens!" Sigaw ni Mark.

"Baliw." sagot ni Kurt at sinapak ito.

Nagtawanan lang kami at tyaka nagpatuloy na sa pagkain.

"Magandang umaga po kuya Neil!" Bati ng isang babaeng nakasalubong ko habang naglalakad ako patungong library.

Halos punong puno na yung mga table napagdesisyonan ko na tumigil sa isang table para ilapag ang mga libro ko dahil may kabigatan ang mga ito. Nagulat ako ng nagsitayuan ang mga limang taong nandito.

"Nako. H'wag na kayong umalis, hindi naman ako makikitable." Mahinahong sabi ko.

"Hindi na po." Sagot ng isa sa kanila.

"No. Dito nalang kayo." Sabi ko at binuhat muli ang mga libro ko at tyaka na naglakad palabas.

Hindi naman masakit ang pakiramdam ko dahil simula't sapul wala akong balak makishare sa kanila ng table. I'm more than comfortable doing things on my own, kaya dumiretso ako sa dating pinupuntahan ko kapag mag isa ako, sa silong isang puno.

Kinaumagahan ay naghanda kami ng mga gamit namin, pupunta daw kami sa beach resort na pagmamay-ari ni Rose, chambang nakacancel ang klase namin ngayong friday lahat from grade school to college, ewan ko pero bahala na.

I also invite Luke pati rin sila Vince and Celine dahil yun ang sabi ni Rose.

"What are your plans out there?" Tanong ni Luke.

I shrugged. "What's with plans?" Tanong ko.

"Ikaw hah? Kapag nakita kitang nakikipaglandi sa iba makakatikim ka saakin." Pagbabanta niya.

Tinignan ko siya with a smirk on my face. "At ano naman yun?"

"You'll soon know it."

Bumalik na kami sa pageempake, isang malaking maleta ang dala namin dahil wala naman akong luggage. Sa kanya pa nga itong maleta na ginagamit namin eh.

Lahat kami ay tila excited na. Nakakaexcite nga talaga, dahil first time kong makapunta sa isang beach  resort, and my first outing with my friends.

Magkakasunod ang mga sasakyan namin, nangunguna sila Pan kasama si Rose at Amanda. Kami ni Luke, my friends at panghuli yung mga mag-asawa.

"Oh baka mapunit ang ngiti mo diyan?" Pagsisita saakin ni Luke.

"I can't just.." Napatili ako ng kaunti.

"Is this your first time?" Natatawang tanong nito.

Napakagat ako sa labi ko at napatingin sa kanya at napatango. Tumawa lang ito.

"Sige tawanan mo lang ako, makikipaglandi talaga ako kay Vince." Pagbabanta ko.

Tumingin siya saakin with his brows forming V pero sandali lang dahil busy ito sa pagmamaneho.

"Sige subukan mo, sabay tayong magsusuicide dito." Patawang sagot nito.

"Ulol. Mamamatay tayo." Sagot ko. "Mas mabuting malunod ako sa pagmamahal mo kesa sa madisgrasya."

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now