CHAPTER 13

663 42 2
                                    

NEIL

"Hindi mo ba pupuntahan si Luke mamaya?" Tanong ni Gail habang nagkaklase kami.

Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya. "Makinig na nga muna kayo, mamaya na yang Luke na yan." Utos ko sa kaniya at nagpatuloy sa pag-take down notes.

Pagkatapos ng klase ay mabilis na naglakad si Rose papunta sa akin. Absent pala siya kahapon.

"Hi, Neil!" I smiled. Bigla niya akong niyakap. "I missed you."

Napangiti ako ng pilit kahit hindi naman niya nakikita. Mabilis din siyang bumitaw at nabaling ang tingin sa akin. "Absent ka lang noong isang araw tapos miss mo na agad ako?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Ngayong klase lang namin siya pumasok, baka nakipag-usap siya sa mga guro namin.

She pouted. "Of course."

"Wala ba kaming hug diyan?" Tanong ni Mark.

Umirap si Rose sa kanya. "Wala," Napalingon ulit siya sa akin. "Kumakain ka naman siguro, no?"

Napakamot ako sa ulo ko. What's that kind of question? "Oo naman, three meals a day." I give her a smile.

Humawak siya sa pisngi ko. "Para kasing pumayat ka." Sumimangot siya. "Maybe I was just seeing things." Minasahe niya ang kanyang kanyang ulo.

"Kami Rose," Natigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin kay Kurt. "Hindi kami kumain."

"I have to go, bye." She looked at me, ignoring what Kurt said. She smiled at me before walking out of the classroom.

Inayos ko ang aking mga gamit at inilagay ang mga ito sa bag ko. Tumayo ako pagkatapos.

"Pupuntahan mo ba siya?" Nabaling ang tingin ko kay Gail na nakatingin din sa akin.

"I have to." Maikling sagot ko at binuhat ang bag ko.

"Samahan ka na namin," Kurt added and stood up. "Just in case, pwede mo kaming utusan."

I gave him a small smile and shook my head.  "Hindi na lang." Sagot ko.

Lumabas na ako at dumiretso na sana sa clinic pero naalala ko na baka hindi pa siya kumakain kaya dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng sandwich at mineral water.

Nakasalubong ko yung lalake kanina. Umiiwas lang siya ng tingin sa akin, kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Alam ko na naman hindi niya yun sinasadya.

Nakasalubong ko rin si Ryle. "Hi." He waved at me.

I stopped walking. "Hi." I greeted him.

"How's your friend?"

Ngumiti lang ako. "He's fine." Maikling sagot ko.

"Good!" He smiled again. "If you'll excuse me?" He gave an apologetic smile before pushing the bridge of his glasses.

Umalis na ako sa harapan niya at dumiretso ako sa clinic. Pagkapasok ko nakita kong muli ang nurse, she just smiled at me. Dumiretso ako sa room, pagbukas ko ng pintuan nakita ko si Luke na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama habang nakatingin sa telepono niya.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now