CHAPTER 7

817 55 1
                                    

NEIL

"Hoy, anong ginagawa niyo diyan?" Halos sigaw ko na sa mga kaibigan kong nakahiga sa harap ng dorm ko.

Mabilis na bumangon sila Kurt at Gail. Si Kurt naniningkit ang mga mata niya, habang si Mark ay mahimbing na natutulog. Si Gail naman nagulat ito nang makita ako at mas lumaki ang mga mata niya nang makita niya ang kasama ko.

"Hi Luke." Bati ni Gail.

"Lasing siya." Natatawang sagot ko.

"Baki---"

"This is my boyfriend." Luke said quickly.

Nanlaki ang mga mata ko, napatingin ako kay Gail, nagulat din siya pero sa huli ngumiti siya.

"Pinagsasabi mo?" Natatawang tanong ko kay Luke sabay tulak sa ulo niya gamit ang aking hintuturo.

Tumikhim si Gail at natawa. "Ano, boyfriend mo?" Tanong niya habang nakatingin kay Luke. Tumango lang naman itong kasama ko habang nakapikit.

Tumawa si Gail kaya binigyan ko siya nang masamang tingin. Nabaling ang tingin ko kay Kurt nang bigla itong nagsalita.

"Sino kayo?" Tinuro niya kaming tatlo isa-isa. Ibinaling niya ang tingin niya sa ibaba bago niya kinusot ang kanyang mga mata.

"Matulog kayo sa mga dorm niyo." Utos ko sa kanila. Parang tanga sila, bakit sila matutulog sa harap ng dorm ko?

"Siguro naman hindi ako nagkakamali sa narinig ko diba??" Tanong ni Kurt na nakaupo sa sahig, pero inaantok parin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano bang narinig mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Napakagat si Gail sa kaniyang labi upang pigilan ang sarili niyang matawa. "Nanaginip ka lang ata eh?"

"Hindi ako nananigip." Sagot ni Kurt at humiga sa tabi ni Mark na hindi maistorbo sa kaniyang tulog.

Napatawa ako sa kanya at inayos ang aking pagalalay kay Luke. Inulit kong isinabit ang braso niya sa balikat ko at humuwak ako sa baywang niya para masuportahan siya.

"What's taking us so long?" Narinig kong reklamo ni Luke.

Hindi ko lang siya pinansin at napatingin kay Gail. "Gail, ikaw na bahala sa mga-----"

"You always got me." He cut in. He even salute before helping the two. "Ipasok mo na sa dorm mo yang asawa mo."

Binigyan ko lag siya ng masamang tingin.

"Malayo pa ba ang dorm mo?" Tanong na naman nitong lalakeng kasama ko.

"Andito na tayo, huwag kang excited." Inis na sagot ko, huminga ako nang malalim at dahan-dahang kaming naglakad papuntang pintuan.

"Enjoy!!" Bulong ni Gail sa likuran namin. Hindi ko lang siyan pinansin at saka pumasok na sa loob.

"Neil, I'm serious." Bulong ni Luke malapit sa tainga ko, kaya napatigil ako sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko. "Ano na naman bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

Sumeryoso ang kaniyang tingin sa akin at napapikit pikit. "Be my boyfriend." Tugon niya.

Hindi ko lang siya pinansin at pinaupo ko siya sa kama ko, nagulat ako nang bigla niyang hilain ang leeg ko at humiga dahilan para mapunta ako sa ibabaw niya.

"Luke anong ginagawa mo!" Pagsisita ko sa kanya. He just smiled at me with his eyes closed.

He encircled his arms on my neck, nanginig yung buong sistema ko, napaisip na ako kung lasing ba siya o nagpapanggap lang. Magsasalita na sana ako nang inunahan niya ako.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon