CHAPTER 42

352 16 0
                                    

Neil

"Neil ano to?" Tanong ni Rose.

"Who the hell did it?" Gulat na tanong ni Pan.

"Ano ba yan?" Tanong ni Gail.

"Neil. Look at this." Mark said.

Napataas ang tingin ko dahil nacucurious ako sa pinagsasabi nila, pinakita ni Kurt saakin yung isang picture. Doon yun sa harap ng internet cafe, buhat buhat ako ni Vince habang walang malay.

"What happened here?" Nagaalalang tanong ni Kurt.

Napatingin ako kay Pan, siya lang naman ang nagiisang suspect ko dito, pero nakuha sila sa litrato? Paanong siya ang makuha nang litratong ito ehh kasama rin sila doon sa litrato?

"Don't look at me Neil." Tila natatakot nitong sambit.

"No." Sagot ko. Napabaling ako ng tingin kay Rose. "You two explain. You all know what happened right?"

"Sure." Sabay nilang sagot.

Tumikhim si Rose before starting her explanation, natahimik kaming lahat para mapakinggan ang sasabihin nito.

Maging ako ay walang kaalam kaalam sa nangyari, all I remember is yung mga nangyari bago mawalan ako ng malay, tyaka hindi nila sinabi saakin kung anong ng nangyari nung matapos yun.

It was that day when it happen everything, nang mawalan ako ng malay nagpanic daw ang lahat, binuhat daw ako ni Vince tapos dali daling dinala sa ospital.

"I saw someone, taking us a shot." Sabi ni Rose na nakapagpatigil saakin.

"Sino siya?" Tanong ko.

"I can't determine, if it is a boy or a girl." Sagot nito at napakamot sa kanyang ulo. "It is wearing all black, ulo hanggang paa balot na balot nang itim."

"A mummy!" Napatingin kaming lahat kay Mark na sumigaw.

"Ulol!" Sigaw ni Gail at binigyan siya nito ng isang sapak.

"That's the point." Sabi ni Kurt. "How can we know if who's the culprit?"

"Yah. Hindi naman pwedeng maghinala nalang tayo sa kung sino sino, diba?" Rose said.

Tumango lang ako at napatingin kay Pan, nagulat siya dahil sa biglaan kong pagtingin sa kanya. Kung si Pan ang may gawa nito, paano niya nagagawang tumayo pa sa harapan ko? Hindi naman sa inaakusahan ko si Pan pero parang ganun na nga din.

Matapos kaming kumain ay naglakad kami papunta sa classroom. Wala paring pagbabago, sa galaw, tingin at mga bunganga ng mga estudyante dito, walang wala.

Natigil kami dahil sa paglalakad ng may humarang na grupo ng mga kababaihan.

"Mahiya ka naman Neil!" Galit na sigaw ng babae.

"Hey watch your mouth!" Sigaw ni Gail.

Napaharap ako sa mga kaibigan ko. "I can take this." Bulong ko. Agad agad naman silang tumango bilang sagot.

Humarap ako sa grupo ng mga babae.

"Mahiya ka naman, may girlfriend na yung pinapatulan mo!" Sigaw nitong muli.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Wow big joke! Painosente!" Ano bang problema niya? She was so triggered. I don't even know why?

Kumunot ang noo ko. Maya't maya may ipinakita niya saakin yung phone niya, yung gaya nang pinakita ni Kurt kanina.

"Totoo ngang magaling ka." Sabi niya. "Magaling ka sa paglalandi!"

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon