CHAPTER 5

992 65 5
                                    

NEIL

The night is already deep, there are only few minutes left before midnight. I was hugging my pillow so tight just to get my sleep, but it's not working either. Kanina pa akong nakapikit pero hindi naman ako makatulog.

Wala naman akong iniisip pero bakit? I reached my phone on nightstand and open my Wattpad, this is my other way of getting my sleep.

A chat head from Luke popped up on the screen.

Luke: Still online. Cant sleep?

Me: Something like that.

I replied immediately.

Luke: Do you want me to come in to your dorm?

Kumunot ang noo ko nang matapos kong mabasa ang kaniyang reply. Bakit siya pupunta dito? Ano ang gagawin niya dito? Saka malapit nang maghating gabi baka nagbibiro lang siya.

Me: No.

Pagkasend ko nang reply ay saktong may kumatok sa door ko. Sino kaya ito? Bumangon ako at binuksan ang ilaw, napapikit saglit upang makapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag bago naglakad.

"Sino yan?" Tanong ko at inilapit ang tainga ko sa pintuan para pakinggan kung may sasagot.

Nobody answered, at nagpatuloy lang ito sa pagkatok. Wala akong ibang ginawa at pinagbuksan ito. Pagbukas ko halos malaglag ang panga ko nang makita ang nakatayo sa harap ng pintuan ko.

He was wearing a peach colored hoodie with a pair of black jogging pants and white pairs of Nike slippers.

Humigpit ang hawak ko sa pintuan at tinaasan siya ng kilay. "Why are you here?" I asked.

"I wanna check on you." He said, before putting his hands inside the pocket of his hoodie.

Check on me? Wala naman akong sakit. Napahalukikip ako sa harapan niya. "Okay naman ako at wala naman akong sakit." Sabat ko.

Hindi niya ako sinagot at naglakad lang siya papasok ng dorm ko. Mabilis kong hinigit ang kamay niya dahilan para tumigil ito sa harapan ko.

"Akala ko ba, babayaran mo lang ako sa pagdadala ng pagkain ko sa school?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

He looked at me and stared in my eyes. "Why can't you sleep?" He answered my question with a question.

Umiling lang ako. Binitawan ko ang braso niya at isinara na lang ang aking pintuan. "Wala lang, sige na matutulog---"

"Do you want me to help you?"

I arched my eyebrow on him. "What?!"  I asked him curiously.

He laugh before take off his hood. "I was asking you, if do you want me to help you sleep?" He asked again.

I simply shook my head. Hindi ko naman kailangan ng tutulong sa akin para makatulog lang ako.

"Matutulog na ako, sige alis ka na." Utos ko, hihigitin ko na sana muli ang braso niya pero natigil ako nang magsalita siya.

"You already close the door, paano ako makakauwi?" Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata.

Napatikom ang aking mga bibig, tama nga naman siya, sana hindi ko muna kasi sinara yung pintuan. Tumikhim ako at maghahanda na sanang akong magsalita pero mas nauna siya.

"Let me stay." Sambit nito bago maglakad papuntang balcony.

Ini-lock ko ang pintuan ko bago ako sumunod sa kanya. Nakaupo siya sa wooden bench at nakasandal sa window grills. Hindi naman madilim dito sa labas dahil may mga ilaw dito sa balcony.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon