CHAPTER 12

668 46 0
                                    

NEIL

"Oyy, bakit hindi ka pa kakain?" Tanong sa akin Mark.

Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Luke will bring my food here." Sagot ko at ibinalik ang tingin ko sa librong binabasa ko.

"Huh?" Tumaas ang tingin ko sa kanila at nakataas na ang mga kilay nila sa akin.

Umiling ako. "No----" I stopped, when I realized the thing I just said few seconds ago.

"Did you just say, na dadalhan ka ni Luke ng pagkain?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kurt.

Isanara ko ang librong binabasa ko at napakamot ako sa ulo ko. "Ah eh--- Ahh ang sabi ko oorder na ako."

Nagmamadali akong tumayo at iniwasan ang kanilang mga tingin. Nagmamadali akong naglakad papuntang counter at pumila doon.

"You don't need to order food, I cooked something for you."

Natigil ako at napalunok dahil sa sinabi nang nasa likod ko. Napalingon ako sa likod ko at sinalubong ko ito ng nakataas ang kilay, pero I stopped, hindi pala siya yun. Namilog ang mga mata ng lalake nang magtama ang mga tingin namin.

"Kakausapin nalang kita mamaya, love." He whispered to the phone, that is next to his ear.

Humarap na lang ako sa counter, napapikit ako ng mariin upang mawala yung mga pumapasok na kung ano-ano sa mga isip ko.

"Okay ka lang, baby?" I heard someone asked.

I looked up to the woman on the counter, kasi siya lang naman yung nasa harapan ko. Ako na pala ang susunod.

"What did you say?" I asked, curiously. Maybe I was just hearing things.

Tumawa siya at napakamot sa kaniyang ulo, tapos ngumiti siya ng pilit. "Tinatanong ko, kung okay ka lang." She repeated.

Tumango lang ako at saka binigyan siya ng  isang pilit din na ngiti. "Okay lang po ako."

Pinili ko nalang yung palagi kong kinakain tuwing lunch. Which is adobong kangkong at kanin lang plus mineral water. Nakakatipid na ako dito dahil 50 pesos lang.

Nang makuha ko na ito ay bumalik na ako sa aking upuan nagsimulang kumain ng hindi nagsasalita.

Tumawa si Gail. "Buti naman at hindi mo hihinintay si Luke?" Tanong niya habang hinahati niya yung isang piraso ng karne sa kanyang tray.

Umirap lang ako.

"Akala ko ba dadalhan ka niya ng pagkain?" Natatawang tanong ni Kurt at ipinatong niya ang braso niya sa balikat ni Gail.

Umakto lang akong walang narinig at tumingin lang sa tray ko. Natigil ako sa pagsubo nang maglagay si Mark ng isang pirasong karne sa plato ko. Itinaas ko ang ulo ko para pasalamatan siya, nang bigla kong naibuga ang nasa bunganga ko dahil ibang tao yung nakita ko.

Mabilis kong pinunasan ang labi ko gamit ang palad ko. "Luke?" I asked. Mabilis kong kinusot ang aking mga mata at doon ko nakita na si Mark pala yun. Something is wrong with me.

Napatingin ako kay Gail nang tumawa ito. "Anong Luke?" Tumaas ang kilay niya.

"Grabe ka naman, Neil!" Mark laughed and wiped his face. "Nagmamabuting loob ako sa 'yo tapos ganiyan ka?" He dramatically touched his heart.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon