CHAPTER 4

1.1K 70 8
                                    

NEIL

It was Monday morning, nandito kaming tatlo  sa lobby dahil hinihintay namin si Kurt na hindi naman na dumadamating. May 15 minutes nang nakakalipas pero wala pa rin siya.

Napalingon ako kay Gail. "Haysst, wala na bang itatagal si Kurt?" Tanong ko sa kanya.

He shrugged before turning his gaze on me. "Pinuntahan ko naman siya kanina sa dorm niya, pero kakagising niya lang." Sagot ni Gail at napatingin sa kanyang phone.

Pinunasan ko ang pawis na umaagos sa mukha ko gamit ang kamay ko dahil wala akong nabaon na panyo. Ayaw ko din naman na maglakad pabalik ng dorm ko dahil mas lalong pagpapawisan.

Nabaling ang tingin ko kay Mark nang sumunod siyang magsalita. "Haysst, baka natulog na ulit yun?" Tanong nito.

"Ewa----" Sunod na nabaling ang tingin ko kay Gail nang natigil ito sa pagsasalita at napatingin din saakin. "Anong ginagawa ng isang college student dito?" Tanong niya sa akin.

Napatayo si Mark sa kanyang kinauupuan at napatingin sa labas. "Anong ginagawa niya dito?" Tanong niya at nabaling din ang tingin niya sa akin.

Sinundan kung saan banda nakatingin si Mark at nakita ko si Luke na nakasandal sa gilid ng kanyang itim na sasakyan. Suot nito ang kanyang uniform, na marine blue, gaya nang suot niya noong una palang namin magkita.

Tumabi sa kinatatayuan ko si Gail at tumawa ito. "Now I know, may sundo ka pala Neil." Sabi nito at siniko pa niya ako sa aking tagiliran.

"Hindi lang pala mga babae, at mga bakla ang naghahabol sayo, pati pala strai----"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mark niya nang binigyan ko siya ng masamang tingin. Ibinaling kong muli ang tingin ko kay Luke at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Good luck!"

Dumiretso na ako sa kanya, at nakita kong umayos ito ang kanyang postura. I could say that he looks good in his marine blue uniform. He give me a smile and a wave. Parang hindi niya ako sinigawan noong Sabado, ah.

Tumigil ako sa harapan niya at pinaningkitan ko siya ng mga mata. "What are you doing he--"

"Your sweating." Pagpuputol nito sa sinasabi ko. Iyon pa talaga ang una niyang napansin.

He pulled his handkerchief out of his pocket and hand it over to me. "Use this.." He said.

Tinanggap ko nalang ito at pinampunas sa mukha ko. "What are you doing here?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala," Napatawa siya at napakamot siya sa kanyang batok. "I was just wondering, if I can bring you to your school." He added and looked down.

Ngumiti ako. Thanks for his effort though. "Hindi mo na kailangan gawin yun, kasi malapit lang naman ang school dito." Sagot ko.

Baka makaabala pa kasi ako sa kanya. Kung kasama man ito sa kanyang payment thing, well I can't accept it, gaya nga ng sinabi ko malapit lang ang school, at yung paglalakad ko will be my exercise for the day.

"Are you sure you're okay?" Tanong niyang muli at dahan-dahang tumaas ang tingin niya saakin.

Napatawa ako. "Naman!" Bulaslas ko.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now