CHAPTER 34

322 16 0
                                    

Neil

"Hi there Neil." Bati ni Pan.

"Hello." Bati ko pabalik. "Himala ah bakit wala si Rose?" Tanong ko.

Nagtataka lang ako dahil palagi ko sila kasing nakitang magkasama but now it seems so different. Well actually kakaiba naman talaga dito simula pa noong lumabas yang kung ano anong issue. Siguro sanay lang akong nakikita silang magkasama.

Napakamot siya sa batok niya dahilan para kumunot ang noo ko. "Ahh kase..." Tumaas ang isang kilay ko. "Ahh kase..."

"Ano nga----"

"Ayaw ka na niya munang makita." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Kumunot muli ang noo ko, ano naman  ba ang nangyayari? Sabi ko na nga ba eh may mga kakaiba na naman na pangyayari eh. Napatigil ako sa pagkain at napatayo sa kinauupuan ko.

"Wait saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Pan.

"Kakausapin ko si---"

"NEIL!" Sigaw niya sabay kinalampag ang lamesa.

Napatigil ako at nagtataka kong tinignan si Pan ng diretso. In my peripheral vision nakita ko na nakatingin na din pala saamin ang mga ibang estudyante, maging sila siguro ay natigil sa mga pinagagawa nila dahil sa ginawang ingay ni Pan.

"She wants to make a personal space on you." Kalmadong sagot nito.

"Funny." I smirked. She want a personal space? Is that even a valid reason? "I'm sure naniwala na siya sa mga sabi sabi tungkol saakin no?" Binigyan ko siya ng walang emosyong mukha.

"Hindi ganun yun." She said.

I crossed my arms infront of my chest at tyaka na bumalik sa pagkakaupo, at tinigyan siya diretso sa mata. "So ano?"

"Wala. May problema lang siya. Got to go." Sagot niya at nagmamadali nang umalis.

Bumalik na ako sa classroom, and make myself busy by typing on my phone again, ano pa bang magagawa ko? Alangan naman makipagplastikan ako sa mga taong nakapaligid saakin? Napaangat ang ulo ko ng marinig ang dalawang nagtatawanang babaeng papasok ng classroom.

Pan waved at me and Rose just turn her look away when our eyes met. Maybe may problema lang talaga si Rose kaya ayaw na niya munang makipagsocialize sa ibang tao except kay Pan.

Gabi na pero eto gumagawa parin ako ng update sa story ko, nang maisipan kong ichat si Rose, at sakto naman na

Me: Hey may problema ka ba?

Rose: Wala naman medyo hindi lang maganda yung gising ko kanina.

I sighed for relief kasi agad siyang nagreply. But should I talk to her about that personal distance na hinihingi niya, well maybe ayaw niya akong makasama kanina kasi masama pakiramdam niya, baka mahawaan ako. Pero ang nakapagtataka may problema ang sabi ni Pan pero masama lang pala yung pakiramdam niya? Well maybe ganun talaga.

Me: Magsabi ka lang kung may problema ka hah?

Ibinabalik ko lang yung binibigay niyang tulong saakin, sinabi niya rin  saakin kasi noon yan.

Me: I'll be here no matter what.

Rose: Okay.

Parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa maayos na paguusap namin I thought it will end our friendship. Pagkatapos ng maikling usapan  namin ni Rose umayos natulog na ako.

°  °  °

"Neil! Gumising ka na!!"

"Neil!! Ano ba malelate na tayo!!"

Just Friends [Boys Love]Место, где живут истории. Откройте их для себя