CHAPTER 32

378 14 0
                                    

Neil

Pagmulat ng mga mata ko agad na sumalubong yung labi ni Luke sa noo ko. "Good morning baby." Bati niya.

He's here like every another day, nakikitulog nakikikain ganun, minsan nagdadala siya ng pagkain.

Napatingin ako sa mga mata niya tyaka ngumiti. It was 5 o'clock in the morning. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Bagong umaga na naman ulit, ano na naman bang mangyayari sa school? At teka ano nga bang nangyayari sa school? How many days na silang ganun? Did I do something wrong?

"Oh ba't na naman nakakunot ang noo mo?" Bungad na tanong ni Luke paglabas ko ng banyo.

"Nakakunot nga ba?" Natatawang tanong ko. Umirap lang siya at tumayo na sa kama lumapit 

"Halika ka na kain na tayo." Pag aaya ko sa kanya.

"Your friends. Aren't you going to invite them?" Tumango lang ako at binuksan ang phone ko at binuksan ang messenger ko. Sakto online sila I chat them to eat breakfast but all I got was seen. So they don't want to eat?

"So?" Luke asked and raised his eyebrow.

"Let's just go." Sabi ko. Naglakad papunta ng pintuan at pagbukas ko nakitang kong pababa na yung mga kaibigan ko sa hagdan. Wait? Why are they avoiding me?

"Oh nakakunot na naman yang noo mo ah?" Tanong ni Luke na nasa likod ko lang pala. Naglakad siya papunta sa harapan ko at napahawak siya sa magkabilang pisngi ko. "Magkakaroon ng wrinkles ang asawa ko." He moves his face closer to mine and kiss my nose.

Tumawa lang ako at tyaka na kami naglakad pababa. So after namin kumain bumalik kami sa dorm ko then naligo at inihatid niya ako sa school.

"Good morning Neil!" Bati ni Rose at nakipagbeso beso pa.

"Good morning." Bati ko pabalik.

"Asan yung mga friends mo?" She asked. I shrugged well hindi ko alam kung nauna na sila or what, hindi ko kasi nakita yung sasakyan nila kanina. "Imposibleng hindi mo alam?" Nagtatakang tanong niya.

"Let's just go." Pagiiba ko nang topic. She agreed at nagsimula na kaming maglakad.

Actually wala naman akong planong iwasan yung mga kaibigan ko, I wanted to ask kung anong nangyayari sa kanila but how would I start? Tyaka wala naman akong ginagawang masama in the first place.

"Oyyy Twinies!!" Sigaw ni Pan pagkasulpot niya sa harapan namin.

"Twinies!!" Sigaw naman ni Rose.

Doon ko lang napansin na magkaperho yung necklace nila. A gold shining necklace with a pendant of cresent moon. It was beautiful.

Bumaling ang tingin saakin si Pan. "Good morning Neil!" She give me a smile at nakipagbeso beso din tapos ginawa niya rin yun kay Rose.

So tatlo kaming naglakad patungo sa classroom namin, may 10 minutes pa before time. Nagpaiwan ako sa library dahil... Wala mag aaral lang ako uli wala naman din akong gagawin.

May mga iilang estudyante dito bookworm sila na gaya ko. Bookworm? HAHAHA pero take note hindi namin kinakain yung libro.

"Good morning." Bati ko sa babaeng nakabangs na nakasuot ng round  glasses.

Mukhang nagulantang siya sa pagbati ko sa kanya. Iniayos niya yung eyeglasses niya at napatingin saakin.
"Sorry. Good morning din."

"Your glasses are nice." Oo nagagandahan ako sa eyeglasses niya parang siya yung glasses ni Harry Potter, I want to buy too, pero reading glasses lang.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now