CHAPTER 28

426 16 0
                                    

Neil

Kakatapos lang ng second to the last practice namin, syempre para marami kaming makuhang grade. We need to work for it so we can achieve the good grade.

"Labas tayo." Gail said at inakbayan ako.

Tatango na sana ako ng maalala ang dalawa, dali dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Kurt magkasama kasi nila ni Mark may meeting din sila with their group.

"Tapos na ba kayo magpractice?" Tanong ko sa phone.

[Oo tapos na. Papunta na kami diyan sa school.]

Tumango tango nalang ako kahit wala namang maitutulong ang pagtango ko. Pagkapatay ko ng tawag agad na nagsalita si Gail.

"Sila ang nag aya na lumabas tayo."

"Eh bakit ngayon niyo lang sinabi?" Tanong ko.

"Bakit may problema ba?" Nagtatakang tanong nito.

Umiling lang ako. "Wala naman. Sana sinabi niyo ng napaaga yung pagdismiss ko sa mga practice natin."

"Tapos na okay? At least natapos natin lahat." Tama siya natapos na namin lahat, lahat ng kailangang iayos okay na lahat.

He tapped my shoulder at nagsimulang maglakad papunta sa gate. Pagkarating namin sa gate sakto sakto naman ang pagdating ng dalawa. Nauna na akong pumasok at sumunod naman si Gail.

"So saan tayo?" Bungad na tanong ni Mark.

Hindi lang ako sumagot, Isininandal ko sa head restraint ang ulo ko at ibinaling ang tingin sa labas. Wala naman din akong alam na pupuntahan.

"Ewan." Sabay na sagot ni Gail and Kurt.

Napairap ako, plano nilang lumabas tapos hindi nila alam kung saan pupunta?

"Dun nalang sa pinuntahan natin dati. Yung pagmamay ari ng friend ni Gail."  Sagot ko. That seems nice.

Nagulat ako ng biglang may dumapo sa balikat ko. "Wow ah pano mo naisip yun?" Gail asked. I just smirked at him.

"Nice idea." Sagot ng driver namin. Sino pa? edi si Kurt.

So we drove to the cafe na sinabi ko. Medyo madami dami yung tao nga lang. Pagkapasok namin ay may nagiisang table nalang ang natira dali dali kaming umupo doon.

Linabas ko ang phone ko para ipagpatuloy yung ginagawa kong update sa story ko. Nagtagal ng ilang minuto na unat unat ako ng matapos ko na ito.

"Hoy dika pa oorder ng pagkain mo?" Tanong ni Gail.

Agad agad akong napatingin sa kanya, may hawak na silang mga pagkain. Ganun din sila Mark at Kurt. Hindi naman nila ako iniupdate na umorder na sila.

"Nagsusulat na naman ba?" Tanong ni Kurt. Ngumiti ako ng kaunti at tumango sa kanya.

"Hanggang ngayon hindi mo pa tapos?" Sunod na tanong ni Mark.

"Hindi naman kasi mad-----"

"Oo alam ko na huwag kanang magexplain magorder ka nalang kung anong gusto mo dun." Pagpuputol nito sa sinasabi ko.

Napairap lang ako at tyaka na tumayo para umorder. Naglakad ako papuntang counter, nakangiti akong  sinalubong ng babae.

"Ano po sa inyo sir?" She asked.

"Chocolate shake medium size." Maikling sagot ko at ginantihan ng ngiti.

Umalis na yung babae tapos after two minutes bumalik na ito with the shake. "Here you go sir." Sabi ng babae muli.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now