CHAPTER 25

441 16 0
                                    

Neil

Nandito kami ngayon ni Luke dito sa dorm ko, oo nandito naman siya. Kakatapos lang namin maghapunan. Nakaupo ako ngayon dito sa kama ko, nakaupo tapos nakasandal sa pader at hawak ang isang libro. I'm reading.

"Labas tayo mamaya." Luke said.

Itinaas ko ang librong hawak ko ng makita ko siya. Nakaunan kasi siya  kanlungan ko.

"At bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"May pupuntahan tayo."

Na naman? Saan na naman kaya? Hindi ko lang siya sinagot at ibinalik ko ang tingin ko sa librong hawak ko.

Nang matapos na akong magbasa itinabi ko na yung libro. Tinapik tapik ko ang ulo niya nang makaalis siya, bumangon naman siya agad, at tumingin saakin.

"Ano tara na?" I raised him an eyebrow.

"Matutulog na ako." Maikling sagot ko.

"Sige na please." Sabi niya at nagpuppy eyes, umirap lang ako at tyaka na umayos ng higa sa kama ko.

Nagulat ako ng pumaibabaw siya saakin. Hindi na ako nakapalag pa.

"Sige na please." Sabi niya at yinuyugyog pa ako.

"Umalis ka nga. Ang bigat mo." Pagrereklamo ko at pinagpapalo ko yung balikat niya.

"Lalabas tayo o hahalikan kita?"

My mouth dries up. I cleared my throat bago magsalita, pero nauna siyang nagsalita.

"Sige na kasi." At yinugyog muli ako. Ano ba kasing pupuntahan niya sa gabi? Hindi ba siya napapagalitan kapag nagstay siya sa labas ng ganitong oras?

"Gabi na kasi e---" naputol ang sinasabi ko ng bigla nalang dumampi yung labi niya sa labi ko.

Tumagal ng kalahating minuto yung labi niya sa labi ko. Halos kapusin na yung hininga ko dahil sa ginagawa niya kaya itunulak ko ito palayo. Parang nasasakal ako as the same time, parang hinihigop lahat niya ng hangin sa loob ko. My heart is thumping so fast again. Bumangon ako sa pagkakahiga at tyaka tumayo nang mapakalma ang sarili.

"So are we going now?" Tanong niyang muli.

I let a deep sigh for frustation, wala kasi akong planong lumabas ngayong gabi. Vacant naman namin bukas sa first period, pero ayaw ko sanang lumabas.

Hinarap ko siya at tumango na lang ako, he won't stop me hangga't hindi kami makalabas. He smiled na parang aabot na sa tainga niya. I just rolled my eyes.

"We are we going exactly?" Pagtatanong ko.

"Somewhere." Maikling sagot ko.

It was already nine o'clock. I still don't have idea kung saan kami pupunta. I hope one of my friends will not see us. Malihim kaming lumabas ni Luke sa dorm ko. Pagkarating namin sa sasakyan niya dun lang kami nakahinga ng maluwag.

"What if malaman nila na lumabas tayo?" Pagtatanong ko, habang inaayos ang seatbelt ko.

Tumingin siya saakin at saka ngumiti. "So what? So they will know that we are dating."

Tinaasan ko siya ng kilay. Date? Are you kidding me? Tumango tango ito kaya inirapan ko na lang.

Hindi na kami nagusap pa at nagpatakbo nalang siya ng sasakyan, ako naman eto nakatingin sa labas, ineenjoy ang view sa labas, para kasing ngayon lang ako makalabas sa ganitong oras ng gabi.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pagtatanong ko. Naboboring narin kasi ako sa sobrang tahimik.

"Just wait. Malapit na tayo." Sagot niya habang busy parin sa pagdadrive.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now