CHAPTER 6

864 59 1
                                    

NEIL

Nandito kami sa cafeteria muli habang hinihintay ang mga kaibigan kong matapos kumain sila ng kanilang mga meryenda. Hindi ako kumakain dahil wala akong pera, sa next week pa raw magpapadala si mama ng pera ko.

"Bakit wala pa si Luke?" Nabaling ang tingin ko kay Kurt na nagsalita.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko din alam, matagal na kaming hindi nagchachat last na noong pumunta siya sa dorm ko.

"Baka busy lang siya." Tugon ni Gail.

Oo baka nga, busy na siya sa girlfriend niya dahil nagkaayos naman na sila. Ayaw ko din naman na i-chat siya. Mahirap na din kung ma-misunderstood yung girlfriend niya.

Nagulat ako nang bigla nalang may maglapag ng paperbag ulit sa harapan ko. Tinignan ko yung may gawa nito at yung lalake na naman na nagbigay ng paperbag na mula kay Luke. Hindi na siya nagsalita at umalis na lang.

Natawa si Mark. "Nandiyan naman na pala eh." Umirap lang ako at saka na kumain. Pinasalamatan ko na lang si Luke sa isip ko.

Sunod na araw, kakatapos lang ng klase namin at naiwan ako mag-isa dito sa classroom. Inimbita naman ako ni Gail na sumabay sa kanilang kumain pero tumanggi lang ako. Tinapos ko na lang ang mga assignments ko, nagulat ako at napatayo ako sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko bago ako lumabas at dumiretso sa hagdan dahil doon nanggagaling ang sigawan. Natigil ako sa paglalakad nang makita ko si Luke na naglalakad doon, nakasuot siya blue short-sleeves polo tapos nakatuck-in ito sa blacks pants niya. He looks so good.

Nagtama ang mga tingin namin, tumigil ito sa paglalakad at ngumiti siya sa akin, dahilan para sumigaw ang mga babaeng dito.

"Hi," Bati niya sa akin nang makatayo siya harapan ko.

"Why are you here?" I asked. Medyo nahihiya.

Iniabot niya sa akin yung isang paper bag na may circles, ngayon lang ata nakacustomize yung bag niya.

"Lunch." He handed the bag to me. Napatikhim ako bago tinanggap ang kanyang binigay.

"Go now." I almost whisper dahil pinagtitinginan kami ng madaming tao.

Tumawa lang siya at humawak sa ulo, ginulo niya ang buhok ko bago siya umalis. Nang makaalis na siya mabilis na napatingin sa akin ang mga estudyante at nagsigawan silang ulit.

Sunod na sunod na ganun hindi ko alam kung anong gagawin ko, iniisip ko kung kailan ito matatapos. Kapag recess at lunch hindi na ako magugulat kung may mga babaeng nagsisigawan dahil alam kong dadating siya.

"Oh my gosh! Nandiyan na siya."

"Neil-Luke na talaga!!!" Narinig kong sigaw ng isang babae, tinignan ko kung sino ito, siya 'yung nagpost namin ni Luke noon Jemarie ata yung pangalan.

Mabilis akong naglakad papuntang sa pintuan ng cafeteria at hinarang pa si Luke bago pa pumasok. He raised me an eyebrow when I stopped him, ini-enjoy niya pa ata na nagsisigawan yung mga estudyante.

"Thank you." I said to him and grab the paperbag on his hands.

Hindi pa siya nakakasagot bumalik na ako sa table namin at nakikipagsigawan na rin ang mga kaibigan ko.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon