CHAPTER 40

357 17 0
                                    

Neil

[Neil asan kana?] Tanong ni Rose sa phone.

"Wait lang palabas na ako." Sagot ko.

Lalabas daw kami nila Vince, nandoon na sila sa labas na kanina pa naghihintay na saakin, ewan ko kung saan kami pupunta basta nalang tumawag ng napakaaga ni Pan, dahilan para kinulang yung tulog ko.

[Dalian mo kukupad kupad!] Pansin kong naiirita na saakin si Rose, boses niya palang eh ang taas taas na.

Paglabas ko ng dorm ko ay bumungad saakin si Mark. Nakangiti ito, ewan ko kung bakit siya ganyan tuwing nakikita ko siya.

"Mukhang napapadalas ata labas niyo ni Luke ah?" Natatawa nitong tanong, mabalis akong umiling dahil hindi naman si Luke ang mga kasama ko.

"Sino ang mga kasama mo?" Tanong nitong ulit.

"Sila Pan at Rose lang." Sagot ko. "Sige na I have to go."

May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya tinuloy pa, naglakad na ako at linagpasan lang siya. Ewan kung palabas lang? or totoo ang mga pinapakita niya?

Pagkalabas ko ng building eh bumangad saakin yung puting sasakyan ni Vince, pagbukas ko ng sasakyan agad akong napatingin sa dalawa na nasa likod, kulang nalang mapunit ang mga ngiti bunganga nila dahil halos umabot na yung nga ngiti nila sa tenga nila. Umirap lang ako at tyaka na pumasok.

Tuningin saakin si Vince at ngumiti. "Let's go." Sabi nito saakin. Tumango lang ako at ngumiti pabalik.

Nagsimula nang gumalaw ang sasakyan na puro katahimikan.

"Neil may jowa ka na ba?" Biglang tanong nito. Sa lahat ng pwede niyang buksan na topic bakit yan pa?

"Wala pa." Diretsong sagot ko.

"Bakit naman wala? Ehh look at you, smart, good-looking, and yah moving forward guy."

"Nagpapatawa ka ba?" Tanong ko, I'm smart, and yah of course moving forward. Syempre hindi ko naman kasi pinaprioritize ang pakikipagrelasyon, ang importante saakin is makapag aral ako at maiahon ko sa hirap ang pamilya ko, at para narin mabili ko mga gusto ko.

Tumawa lang ito habang nakatuon ang atensyon niya sa dinadaan namin.

"Ikaw meron ka na ba?" Tanong ko. I don't know, pero I just want to confirm kung meron nga talaga, para naman may bala ako para pangproteksyon.

Nakita kong pumula yung mga tenga niya, paanong hindi ko makikita eh may kaputihan ito kasabay nito ay ang ngiti sa mukha niya na parang aabot na sa kaniyang tenga.

"Soon..." Sabi niya at sa naramdaman ko sa pagsasalita niya ang masayang masaya na feeling niya.

"Sino naman yan?" Natatawang sagot ko.

"Ikaw." Namilog ang mga mata ko, agad akong napatingin sa likod ng sabay na humiyaw yung dalawa.

"Oh my gosh si Taehyung nag-DM saakin!" Sigaw ni Pan.

"Si Jungkook my loves!" Sigaw ni Rose.

Para silang mga baliw na nagsisigaw sa loob ng sasakyan, si Vince naman natatawa agad kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Tumingin siya saakin pero sandali lang. "You should see the look on your face." Natatawang sabi nito.

"Totoo ba?" Naguguluhang tanong ko, mabilis itong tumango.

Naghiyawan ulit sila Pan at Rose. Ewan ko ba kung bakit sigaw sigaw sila ng sigaw. Alam kong hindi ito totoo nagbibiro lang si Vince but it seems like it was true.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now