CHAPTER 8

944 56 4
                                    


Neil

Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig, binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Luke sa side ko habang binabatingting niya ang kaldero gamit ang isang sandok.

Napatakip ako sa aking mga tainga at masamang tumingin sa kaniya. "Umagang umaga eh!" Reklamo ko sa kanya at napasabunot ako sa buhok ko.

Tumawa ito. "Parang mantika ka na kasing natutulog!" Sagot niya at tumigil na siya sa pagbabatingting sa kaldero.

Umupo ako sa gilid ng kama ko habang nakaharap sa kanya, nakita kong may nasabit na tuwalya sa kaniyang balikat.

"Saan mo kinuha yan?" Tanong ko at itinuro yung tuwalya niya.

Napakamot siya sa batok niya. "Kinuha ko sa wardrobe mo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Don't look at me like that, wala akong nakitang iba." Para itong bata.

Nagulat ako nang bigla nalang niyang hinawakan ang magkabilang mga kamay ko. "Teka anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko.

Hinila niya ako papasok sa bathroom. "Maligo ka na, kundi malelate tayo!" Utos niya. Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak niya at napahakbang palayo.

Hindi niya ako pinansin at naglakad siya palabas, doon ako nakahinga ng maluwag. Nakahanda na doon ang mga gagamitin ko pati toothbrush ko may toothpaste na rin. Naligo nalang ako for 15 minutes.

Nang makalabas ako dumiretso na ako nagpalit at sinuot ang type B uniform ko. Which is T-shirt na white at jogging pants na maroon then I wear my white shoes. Nakatuck-in din ang damit ko para naman maayos akong tignan.

Napatingin ako kay Luke nang pumasok siya galing sa balcony. "Ika----" naputol ang aking sasabihin nang ang kanyang hintuturo sa kaniyang labi. Kaya tinikom ko na lang ang aking bibig.

"Dadaanan ko na lang diyan mamaya." Narinig kong sagot niya sa phone.

"Sige, I'll talk to you later. Malalate na kasi ako." He said to the phone before going inside the bathroom.

Sino kaya yun, baka girlfriend niya? Pero diba break lang sila kahapon tapos okay na ulit? Umiling lang ako at tinignan muli ang sarili ko sa salamin.

Natigil ako nang may kumatok sa pintuan, naglakad ako agad patungo doon at pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mga kaibigan ko.

Agad na nabaling ang tingin ko kay Gail nang nakangiti ng medyo kakaiba. "Anong ginawa niyo?" Tanong niya agad.

I crossed my arms in front of my chest. "Kayo, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pabalik.

Nagtawanan silang tatlo. "Wala." Sabay-sabay nilang sagot.

Lumapit si Mark sa akin at inilapit niya ang bunganga niya sa tainga ko. "Nakailang round kayo?" Umirap lang ako at lumayo sa kanya.

"Where is he?" Tanong naman ni Kurt nang sumunod siya sa akin papasok.

"Naliligo." Maikling sagot ko. Narinig kong humahagikhik silang tatlo, hindi ko nalang sila pinansin at umupo sa kama ko, para magcellphone.

"So, what are you guys doing here?" I asked them fo the second time.

Umupo sa mini couch si Gail at tinaasan niya ako ng kilay. "Masama bang hintayin namin ang mahal naming kaibigan?"

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon