CHAPTER 20

580 29 1
                                    

NEIL

Nakaupo lang ako rito sa upuan ko habang sinasagutan ko 'yung assignments namin. Vacant ata namin ngayon kasi 15 minutes nang late ang guro.

"Neil!"

Tumaas ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko si Pan kakapasok lang niya mula sa pintuan. Sinusuklay niya ang kaniyang buhok.

"Pumunta ka raw kay Mrs. Galbez." Siguro para sa akin 'yun, kasi sa akin naman siya nakatingin.

Tumango tango lang ako at tatayo na sana nang may humawak sa balikat ko, kaya bumalik ako sa pagkaka-upo. It was Mark.

"Luhh anong ginawa mo?" Nag-aalalang tanong niya.

Sandaling kumunot ang noo ko at napaisip. "Ginawa?? Wala naman akong ginawa." Sagot ko, pero a part of me thinks na baka may mangyaring masama. Meron nga ba?

"Baka, you failed." Dagdag ni Kurt.

Nagulat ako pero nawala rin agad ito dahil alam ko naman na nag-aaral akong mabuti. I took a deep breath. I know everything will be just fine.

"Basta kung ano pa 'yun ay kailangan ko pa ring pumunta." Sinabi ko at naglakad na palabas ng classroom.

Habang naglalakad ako papuntang faculty room ay nakakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Hi kuya Neil." Bati ng mga nakasalubong ko. I just give her a smile.

Pagkarating ko sa harap ng faculty room, huminga ako ng malalim at napahawak sa door knob. Tinulak ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong ko ang gurong dapat na pupuntahan ko. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Neil, nandito ka na pala." Ngumiti siya pabalik. "Halika pumasok ka." Hinila niya ang pinto para mabuksan ito, bago ako sumunod sa kaniya sa loob.

Umikot siya sa table niya at umupo sa upuan niya bago umarap siya sa akin.

"B-Bakit po?" I nervously asked.

"You seem so tensed?" She asked, laughing. Sino ang hindi mate-tense kung biglaan ka na lang ipapatawag. "Don't worry nothing's wrong, just do me a favor."

Napalunok at bahagyang kumunot ang noo ko. A favor? Binigyan ko ang guro ng seryosong tingin.

"Ano po yun?" Magalang na tanong ko.

"There are two girls in the main gate right now, kung pwede lang ikaw na ang mag-guide sa kanila sa buong school?"

"Okay po." Diretsong sagot ko. Nakaka-guilty naman kasi kung tatanggihan ko.

"Sorry for disturbing you, may klase kasi ako." I just nodded.

Matapos naming mag-usap ay umalis na ako at naglakad papunta sa main gate. Nakita ko 'yung dalawang babae, hindi naman sila nakasuot na uniform namin kaya inakala ko na sila 'yun. Abala sila sa pag-se-selfie.

"Kayo ba 'yung mga transferees?" Pagtatanong ko sa mga dalawang babae. Tumigil sila sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa 'kin.

"Hah?" The girl was a little shocked and she tucks a lock of hair on her ear. "Yes kami nga 'yun." She said in a shy tone.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now