CHAPTER 15

609 29 0
                                    

NEIL


Kakauwi lang namin galing sa school at hapon na. Napahinga ako nang malalim dahil sa pagod na aking nararamdaman. Marami kaming ginawa ngayon sa school, kaya parang gusto ko na lang mahiga at matulog. Huminga ako ulit malalim.

"Kanina ka pa bumubuntong hininga, ah?" Tanong ni Kurt.

I stopped and looked at him, tired. "I'm fine. Maikling sagot ko.

We were going up stairs nang parang may mapansin akong kakaiba. Siguro ako na naman ang nagiisip ng kakaiba? Tumigil ako sa paglalakad sa hagdan nang may maramdaman akong parang hindi tama. Umiling lang ako para mawala ito sa isip ko.

"Are you okay?" Gail asked. Lumingon ako sa kanya and gave him a nod.

"Kaninang umaga ang saya saya mo," I looked at Mark. "Tapos ngayon."

"Kakaiba rin ang mga kilos mo ngayon." Dagdag pa ni Kurt.

"Nahh..." I sighed and waved my hands. "I'm fine."  I lied. Well I'm fine sadyang pagod lang ako ngayong araw.

I was about make another step again when I felt someone is with us. As far as I know, apat lang kaming nandito sa floor na ito, pero bakit may nararamdaman akong ibang presensya maliban sa aming apat? Meron kaya yung landlady, pero next week pa siya aakyat? Kasi by the end of the month lang siya naniningil. Dali-dali akong umakyat, dahil baka may kung ano sa taas.

"What's in a hurry?" Mark asked. I waved my hand back to say "nothing" at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nang marating ko ang hangganan ng hagdan, doon ko nakumpira na tama nga ang hinila ko, na may ibang tao dito maliban sa amin apat. Napahawak ako sa railings ng hagdan habang tinitignan ko siyang nakahalukipkip at nakapikit tapos nakasandal sa aking pintuan. Nakasuot ito ng white shirt tapos natuck-in ito sa kanyang black jeans and nakawhite shoes.

Bakit siya nandito? Ano na naman bang ginagawa niya dito? Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Mabilis kong tinignan ito at si Gail lang pala, tumingin siya sa akin at napalingon kay Luke.

"Hi Luke," Gail waved at him. Mabalis siyang napamulat at umayos ng pagtayo. Napatingin siya sa gawi namin.

Narinig kong humagikhik si Mark. "Kaya pala nagmamadali si---"

Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin kaya hindi na natuloy ang kanyang sasabihin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Luke at tinaasan ko siya ng kilay, he smiled at me awkwardly and looked away.

Walang nagsalita sa amin ng ilang segundo. Gail suddenly tapped my shoulder. "Mauna na kaming pumasok." Pagpapaalam niya.

Tumango lang ako at tinawag na niya ang dalawa bago sila pumasok sa kani-kanilang  dorm. Naglakad ako papuntang pintuan ko, I signalled him to step away, agad din naman siyang umalis doon. Hinugot ko ang susi sa bulsa ko at ipinasok ito sa keyhole.

"You're still angry to me?" He asked in his soft voice. When I opened my door, I faced him.

"I should be the one asking you that?" I said in bored tone. Pumasok na ako agad at isasara na ang pinto ng bigla niya itong itulak.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now