CHAPTER 30

443 17 0
                                    

Neil

Maayos na lahat. Maayos na nga ba? Well I can't say so. Maayos na dahil wala naman na kaming iwasan ni Luke, this time I feel free from stress because ang ginagawa kong pag iwas sa kanya ay ang nagbibigay saakin ng stress. Pang second day na namin ito na magkasama, sana walang makatunog sa amin at sa mga kinikilos namin.

Sa mga kaibigan ko normal lang na makita nila kaming magkasama kami, ewan ko lang kung magiging normal pa sila kapag nalaman nila ang mga bagay na pinagsasabi ko kay Luke.

"So what are you planning to do?" Tanong nitong kasama ko, sino pa edi siya.

"Papasok na ako ng school pagkatapos nating kumain." Diretsong sagot ko.

We are eating breakfast here in his dorm. He wanted to me stay with him. Gusto niya daw na ako ang huli niyang makita pagpikit ng mga mata niya, at maunang makita niya pagmulat ng mga nito. Ang arte diba?

"I'm talking about us." Sagot niya.

My mouth form O. Tinanong niya kasi if what I am planning to do eh.

"Edi papasok tayong dalawa sa school pagkatapos nating kumain." Sagot ko ulit. Napafacepalm siya and sighed for frustration.

"What?" Natatawang tanong ko. Natatawa ako dahil, I don't even know kung anong tinutukoy and bigla nalang siyang napafacepalm.

"Ang galing mo nga pero ang kitid ng utak mo." He whispered, pero rinig na rinig ko naman.

I crossed my arms and lean myself on  the table. "Look who's complaining?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "I was just answering your so-called questions."

Umirap lang siya at tyaka na tumayo. I was about to speak pero nauna siya. "Ang mauunang matapos kumain, ay siyang mauunang maligo."

"Hoy mas bata ako, ako dapat ang mauna." I protested. 16 years old palang ako habang siya 18 na. I have the rights to protest at all.

"Edi mas mauuna parin ako." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "I'm your baby after all." He smirked.

Napairap lang ako at hinayaan siyang mauna nang maligo. Nagdala na ako ng mga uniforms ko dito kaya pagkatapos kong naligo nagpalit na agad ako.

"Let's go?" Tanong ko kay Luke.

Tumango ito at tumayo na sa kanyang kama, umalis narin ako sa harap ng salamin, kanina ko pa kasi inaayos tong buhok ko.

Nauna na siyang naglakad papuntang pintuan, pinagbuksan niya ako ng pintuan at sininyesan na mauna na daw akong lumabas. Hindi ko lang siya pinansin at naglakad lang papunta sa pintuan. Natigil ako dahil sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko.

"Good luck baby." Humawak siya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Wala naman akong gagawin para i goodluck niya ako, pero yaan mo na, kukuha lang siya points saakin. Umirap lang ako sa kanya at inayos muli ang buhok ko.

°  °  °

Sumalubong saakin ang mga mukha nang mga kaibigan kong nakangisi pagbaba ko ng sasakyan ni Luke. Oo alam nila na pumunta ako sa dorm ni Luke for two days. Hindi naman sila  nagrereact masyado, dahil pumupunta rin naman si Luke sa dorm ko nakikitulog, siguro sanay na sila na nakikitang magkasama kaming dalawa.

Nang malapit na ako nagkunwari silang parang hindi na ako nakikita.

"He----"

"Uyy nakita niyo ba si Neil? Ang kupad kupad niya gumalaw." Biglang pagputputol ni Gail sa sinasabi ko, at tumingin tumingin siya sa paligid.

Just Friends [Boys Love]Onde histórias criam vida. Descubra agora