CHAPTER 23

496 19 1
                                    

Neil

Good morning Saturday. Lalabas na naman kaming mga magkakaibigan, ewan pero paranh nakagawian na naming lumabas labas tuwing weekend. I don't understand if my friends are... What do you call that thing? Never mind. Ngayon pa ba ako magiisip ng ganito? Matagal ko na silang kakilala. Well nevermind.

Dati lang kapag weekend nandito lang ako sa dorm ko na nagkukulong. Kapag nagkukulong ako, linilibang ko ang sarili ko, naglilinis, nagbabasa ng novel books, magsusulat ng kwento, or gumuguhit. Madami pa akong ginagawa depende sa mood ko.

Agad kong kinuha ang phone ko ng tumunog ito. Sino na naman kaya ito?

From Mark: Heyy Neil!! Bagalan mo pa, makakapaghintay kami.

Hindi ko lang ito sinagot at naglakad na palabas nang dorm. Paglabas ko ng pintuan ko tumama may kung anong tumama sa noo ko.

Itinaas ko ang ulo ko at nakita kong si Luke ito na nakataas parin ang kamay sa ibang direction siya nakatingin.

"HEY!!" Sigaw ko ng ituktok na naman niya yung kamay niya.

Napatingin siya saakin at mabilis na ibinaba ang kamay niya. I give him a smirk. Napakamot siya sa kanyang batok niya at napatawa ng kaunti.

"Saan ka ba pupunta?" Seryosong tanong niya.

"Wala." I rolled my eyes and cross my arms infront of my chest.

"Bakit ba ganyan ka sumagot?"

Hindi ko lang siya pinansin at naglakad na. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, kasabay naman nito ang pagring ng phone ko. Kinuha ko ito at nakita ko si Gail na tumatawag agad ko na lang itong sinagot.

[Hello!! Hayop ka Neil! Ano nang ginagawa mo?] Bungad ni Mark.

Nabaling ang tingin ko kay Luke nakakunot ang noo nito, habang nakahalukipkip.

"Nandiyan na ako. Thirty seconds." Sagot ko na mas lalong kinakunot ng noo ni Luke. I just rolled my eyes.

[Bilisan mo!! Iiwan ka na namin.]

Hindi ko lang pinansin at dali daling pinatay ang tawag. Naglakad na ako nang biglang hinawakan ni Luke yung kamay ko.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong niyang muli.

Huminga ako ng malalim, bago hinarap siya."Lalabas kam----"

"Sino??" Mabilis niyang tanong. Kailangan pa bang alamin niya ang mga kasama ko?

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain, napikit ako ng maramdaman ang pagtama ng likod ko sa pader. Pagkamulat ng mga mata ko bumungad saakin ang mukha niyang may ilang pulgada ang layo sa aking mukha.

Naamoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin, pati narin ang paghinga niya. Kung sino man ang makakakita saamin ngayon iisipin nilang para kaming naghahalikan.

"Sinong mga kasama mo?" Tanong niyang muli.

"My friends.." Direktang sagot ko. "Mark, Gail, Kurt..."

"And??"

"Rose."

Masama siyang tumingin saakin, tyaka lumayo, nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kasama na naman siya?" Kalmado pero may halong galit niyang sabi.

"She's my friend." Maawtoridad kong sagot. Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Mark. "Sige na. I have to go."

Tumakbo na ako halos talunin ko yung mga hagdan maabutan lang mga kaibigan ko. Paglabas ko sa building ay kasabay nito ang pag alis ng kanilang sasakyan.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon