CHAPTER 9

940 53 1
                                    

Neil

Papunta palang ako ng school, medyo nalate ako kasi natulog kagabi, kaya late din ako ngayon akong pumasok. Tirik na tirik na ang araw kaya mas binilisan ko maglakad. Tumigil ako, isang metro sa gate ng school nang makita ko si Luke na nakatayo doon na parang may hinihintay.

"Bakit ka andito?" Bungad na tanong ko nang makarating ako sa harapan niya. May kailangan na naman ba siya? Saka bakit ang aga naman ata niya para sa snacks and lunch?

He looked at me and his eyes narrowed into slits. "Why are you late?" He crossed his arms in front of his chest.

Sasagot na sana ako nang bigla nalang akong bumahing, medyo napalakas ito kaya bahagyang sumakit ang ilong ko.

"Bless you." He laughed.

Mabilis kong ipinampunas ang aking palad sa ilong ko at laking gulat ko nang makita ko ang bahid na ng dugo rito. Sa tuwing napapalakas yung paghatsing ko, nagdurugo yung kaliwang butas ng ilong ko. Pinacheck up ko na din ito at ang sinabi ng Doctor ay may sugat daw sa loob ng ilong ko.

"Your nose is bleeding!"

Umirap lang ako at napayuko nang biglang umagos yung dugo. Tinitignan niya lang ako na may gulat sa kaniyang mukha.

"Are you okay?" He asked.

Ginamit ko ang bunganga ko para huminga, at para din maiwasan ko ang pag-intake ko ng sarili kong dugo. Itinaas ko ang kamay ko sa kanya. "I'm fine do----"

"NO, YOU'RE NOT!" Natakot ako sa kanyang pagsigaw. Humakbang ako papalayo pero natigil ako nang biglang niyang higitin ang aking kamay.

Huminga ako ng malalim gamit ang aking bibig. "Hey, where are we going?" Tanong ko at napalunok.

Hinila niya ako papasok ng gate at pinaupo sa bench na malapit sa puno. Kung saan siya umupo noong isang araw.

"Diyan upo ka muna. Alis lang ako sandali."  Utos niya. "Huwag kang aalis."

Tumango lang ako at saka yumuko ulit. Hindi ako pwedeng tumingala dahil yung dugo mapupunta lang sa lalamunan ko. Umalis siya sa harapan ko, nakaraan ang ilang minuto at bumalik na siya na pawis na pawis. May hawak siyang isang yelo at isang mineral water.

"Here use this so it could stop the bleeding." Iniabot niya ang ice, pero bago ko pa man makuha ito ay umupo siya agad sa tabi ko at ipinatong ang yelo sa ilong ko.

"Bakit ka pala nandito?" Naguguluhang tanong ko. Habang nakatitig sa kaniya, nakita ko ang pag aalala sa kaniyang mga mukha.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko, tinanong niya lang ako. "Tumigil na ba?"

Hindi ko alam, wala narin naman akong nararamdaman na umaagos na dugo.

"Okay na salamat." Unti unti niyang inilayo yung ice sa ilong ko. Binigyan ko siya ng ngiti.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" I asked.

Hindi siya sumagot at may kinuhang baby wipes sa kanyang bag. Napatawa ako nang makita ko ito.

"Nagdadala ka talaga ng baby wipes?" Tanong ko. Hindi lang siya sumagot

Nagulat ako nang bigla nalang niyang hawakan ang panga ko at pinaharap sa kanya. Matagal niya akong tinitigan.

Napalunok ako bago magsalita. "H-Hey what are you doing?"

He smirked. "Bakit? Natatakot ka ba kung hahalikan kita?" Tanong niya.

Tignan ko lang siya ng masama. Tatanggalin ko na sana ang mukha ko sa harap niya, pero natigil ako nang dahan-dahan niyang idikit ang wipes sa mukha ko at pinunasan niya ang ilong ko.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon