CHAPTER 46

381 15 1
                                    

Luke

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, medyo masakit yung ulo ko.  Pagbangon ko naramdaman ko na parang may gumagalaw sa loob ng ulo ko.

"F*ck this sh*t off!" Sigaw ko nang pagtayo ko eh, mas lalong lumala ang sakit ng ulo ko. Humiga nalang akong muli at natulog nalang muli.

Napamulat ako sa isang madilim na kwarto, habang nakatayo si Neil sa pintuan kung saan doon lang ilaw. Gumalaw ako pero nakatali pala ang buong katawan ko sa isang bakal na upuan.

"Neil! Tulungan mo ako!" Sigaw ko pero walang boses ang lumalabas sa bunganga ko.

"Neil!!" Sigaw kong muli pero wala lang. It's like I'm muted.

Sinubukan kong gumalaw, pero walang nangyayari pero bawat paggalaw ko ay mas lalong humihigpit yung mga nakatali saakin.

Nagulat ako ng may humawak sa leeg ko, hindi ko makita ito dahil ang nababalot nang dilim ang buong kwarto, umaasa lang ako sa tumatagas na ilaw ng buwan sa bintana.

Nawala ang kamay sa leeg ko, at pagkasunod nito ay ang pagkakaroon  ng ilaw. Napapikit pikit ako para makapag adjust kahit papaano yung mga mata ko.

Nang itinaas ko na ito, nakita ko si Neil na nakasandal sa pader malapit sa pintuan habang nakangiti. What the hell is he smilin' at? Tinitigan ko ito ng mabuti, pero ibang Neil ang nakikita ko sa kanya.

"Neil bakit mo ginagawa saakin ito?!" Sinubukan kong magpumiglas pero mas humihigpit yung mga nakatali saakin.

Nagulat ako ng may tumayo sa harap ko, napataas ang tingin ko at nakita si  Vince. "Oh poor you. No one can here you." Pangiirita niya.

Tinignan ko ito ng masama. "Hayop kang lalake ka!" Sigaw ko kahit wala talagang lumalabas. What the heck is happening to me? Kapag nakalabas talaga ako dito papatayin ko talaga siya.

"Neil. Will never be yours." Humawak siya sa leeg ko. "Tinignan mo nga oh pinapanood ka lang niyang mamatay."

Humigpit ang hawak niya sa leeg ko, unti unti kong naramdaman ang pag-angat ko mula sa sahig. Unti unti akong kinakapos ng hangin ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Napapikit ako dahil wala akong magawa, patuloy lang ang pagkapos ng aking hininga.

"Luke gumising ka!"

"Luke gumising ka!"

Naramdaman ko ang pagyugyog saakin kaya dali dali akong napamulat, nakita ko ang mga kaibigan ko.

"Hindi ako patay?" Nagtatakang tanong ko at dali daling napabangon.

"What in the world is happening to you?" Tanong ni Adrian.

"I-it's just a bad dream." Sagot ko.

"What happened in there?" Sabay na tanong ni James at Gin.

"Nothing. Nevermind." Bumangon na ako at dumiretso sa banyo, great thing at wala na yung sakit ng ulo ko kanina.

Pagkalabas ko ng bathroom ay napatingin sila lahat saakin? Tila may gusto silang sabihin pero hindi nila masabi sabi kaya agad ko silang tinaasan ng kilay.

"What?" Tanong ko sa kanila.

Napaiwas sila lahat ng tingin, pero natigil ako kay Harold nang kumamot ito sa batok niya.

"Rold. May sasabihin ka ba?" Pagtatanong ko, napatingin siya  saakin na punong puno ng pag-aalangan.

I crossed my arms, waiting for his response.

"Pumunta dito si Neil." Sagot nito.

"Kasama ang ibang lalake." Agad na kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Adrian.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now