CHAPTER 31

392 15 0
                                    

Neil

Bagong umaga na naman, medyo maayos na ako kasi nga wala si Luke dito feeling ko parang nakatali ako pero at the same time safe. Lumabas na ako at sakto naman na sinalubong ako ng mga kaibigan ko.

"Hey!" Bati ko sa kanila.

"Kain na tayo." Sabi ni Gail. Napahikab naman sila Kurt at Mark mukhang napuyat na naman ata sila.

"Asan si Luke?" Pagtatanong ni Kurt habang nagu-unat.

"Wala." I crossed my arms. Nandito ako sa harapan nila pero si Luke yung hinahanap nila.

"Himala." Natatawang sabi ni Mark.

Umirap nalang ako at tyaka naglakad palabas, isinara ko narin yung pintuan ko. Mas mauna kasi kaming kumain kaysa maligo papunta ng school. Nang matapos kaming kumain like our ordinary routine bumalik kami sa dorm and then and went to school.

Tumawag si Luke kanina, he greeted me, patawa masyado. He said na mag i-ingat daw ako, nag-i-ingat naman ako palagi eh hahaha.

Everything looks fine pagdating namin sa school, a little strange sa tingin ng mga ibang estudyante. Ewan ko ba kung ako yung tinitignan nila? I can't just say it. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at dumiretso sa classroom lahat sila may mga iba sa mga tingin nila, pero karamihan sa kanila ay normal lang naman.

"Hi Neil!" Bati ng tatlong boses. Oo alam kong tatlong boses base sa iba't ibang kanilang mga tono. Napatingin ako sa mga nagsalita. Si Pan at Rose tyaka sa kabilang side si Amanda.

"Hello sa inyo." Bati ko.

Imbes na sumagot sila ay nagpataliman ng tingin Amanda at Rose. Wala parin talagang nagbabago sa kanila, ewan mukha yatang itinadhana talaga sila sa isa't isa para mag away.

Dumiretso nalang ako sa upuan ko at nagbasa sa libro ko. Tahimik din yung mga kaibigan ko mukhang nag aaral sila. Mabilis lang natapos ang unang dalawang klase namin sa umaga kaya break time na naman.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta ako ng library dahil may ibabalik lang ako na libro. Habang naglalakad ako ang tatalim ng mga mata nang mga nakakasalubong ko. I don't know why? Pero siguro ganun lang talaga sila. Pumasok ako ng library at halos pagtinginan nila ako lahat, para na tuloy akong matutunaw sa mga tingin nila.

Naglakad nalang ako patungo sa librarian, iba kasi ang style dito sa library nasa ginatnang bahagi ang lugar ng librarian. Ewan ko kung paanong style yun? Napadaan ako sa table kung nasaan ang grupo nila Riley.

"Uyy diba siya si Neil?" Tanong ng isang babae, tumigil ako at naglakad papunta sa pinakamalapit na shelf para kumuha ng libro kunwari diko sila pinapansin pero nakikinig ako sa kanila.

"Bakit ba?" Narinig kong tanong ni Riley.

Naghanap hanap ako ng libro pero di ako lumalayo sa shelf na malapit sa kanila.

"Nakapasok daw siya at scholar siya dito sa school dahil may tita siyang dating nagtuturo dito." Sabi ng isa pang babae na kasama ni Riley. "Hindi daw talaga magaling yang si Neil eh. Siguro kapag may bagsak siya eh iniedit lang ng mga kakoneksyon niya."

Tita? May tita akong nagtuturo dito noon? Sino? Tyaka maayos naman akong nakapasok dito eh wala naman akong linalabag na kahit ano. Tyaka my grades are all for my hardwork, wala silang karapatan para magsalita nang kung ano ano.

Nang matapos na ako sa pagpapanggap eh, ginawa ko na ang pinunta ko dito, ibinalik ko na yung librong hiniram ko the other day, at lumabas na sa nakakasakal na kapaligiran. Actually I don't want to get angry kasi sa kanilang mga sinabi wala namang totoo doon. I don't seem to remember that I'm having trouble with my grades, tyaka scholar ako dito and nakuha ko naman ang scholarship ko nang maayos at kelan man walang akong linabag.

Just Friends [Boys Love]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt