CHAPTER 21

557 29 1
                                    

NEIL


Napatigil ako sa pagbabasa ng mga notes ko nang may kumatok sa pintuan. Nabaling ang tingin ko sa orasan at 8:30 palang ng gabi.

"Sino na naman kaya ito?" Bulong ko sa sarili ko.

Dali-dali akong tumayo mula sa kama at naglakad ako patungo sa pintuan. Patuloy lang na kumakatok 'yung tao sa labas. Pagkabukas ko ay nakita ko si Luke, nakasuot siya ng dilaw na hoodie at black na jogging pants.

"Bakit na naman?" Bungad na tanong ko at napakamot sa ulo ko. He just crossed his arms in front of his chest and smirked before walking inside my dorm.

"Why are you still up?" Tanong niya at tumigil sa paglalakad pero hindi niya ako tinitignan.

"Is everything all right?" Tanong ko sa kaniya habang nakatayo pa rin ako rito sa tapat ng pintuan.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin na seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko alam kung anong problema niya.

"Sagutin mo muna 'yung tanong ko." Walang emosyong sagot niya.

Umirap lang ako at inis na isinara ang pintuan, pagkatapos ay bumalik na ako sa kama para mag-review. Linagpasan ko lang siya na parang hindi ko siya nakikita.

"You are reviewing?"

Tumaas ang tingin ko sa kaniya at nakatayo na siya ngayon sa paanan ko. Umirap lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Are you okay?" He asked again.

Ako dapat yung magtatanong sa kaniya 'yun! Hindi ko lang din siya sinagot at umaktong parang walang narinig.

Narinig ko ang mga yapak niya pero nakatingin lang ako sa notebook ko. I stopped when I felt his head lying on my lap. Itinaas ko ang notebook na hawak ko at tinignan siya na nakataas ang kilay.

"Anong ginagawa mo riyan?"

He looked at me and smiled, saka niya binuksan ang phone niya. "I just wanted to rest."

"Mahiga ka riyan sa tabi ko." Itinuro ko yung space sa side ko.

"Mas comfortable ako kapag malapit ka." Sagot niya habang may kinakalikot sa phone niya. Napatawa ako dahil napaka-cheesy ng sinabi niya. Nagpatuloy ulit ako sa pagbabasa ng notes ko.

"Neil, alam mo ba?" Tanong niya bigla. Saktong tumigil naman ako sa period. "Wala, ang cute mo lang."

Nag-focus ako sa pagbabasa hanggang sa binalot na ulit kami ng katahimikan. Matapos yung Filipino ay sumunod naman ang Science.

"I can stay with you, hangga't matapos yang ire-review mo." 

Napairap lang ako, baka mamaya mauna pa siyang matulog kaysa sa akin. "Nye, whatever, it's your choice."

"You're my choice."

Kumunot ang noo ko at pinitik ang noo niya. Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niya!

"Aray naman!" Reklamo niya at hinimas ang kaniyang noo. "Mag-review ka na nga!"

Binalot muli kami ng katahimikan, hanggang sa sunod-sunod na akong humikab. Inilagay ko ang mga notebooks ko sa tabi ko muna. I stared down at him, still on my lap. Natutulog na ata siya dahil nakapikit naman na ang kaniyang mga mata. Bakit pa kasi siya pumunta rito? Kawawa naman siya. I start caressing his hair, I stopped when a smile formed on his lips.

Just Friends [Boys Love]Where stories live. Discover now