CHAPTER 48

385 15 0
                                    

Neil

Kumakain na kami ni Luke kasama ng mga kaibigan ko di to sa dorm ko, kaya eto nagluto ako, balak ko kasing ipatikim yung fried rice na sa kanila yung linuto ko noon kila Pan at Rose. So heto kami ngayon siksikan dito sa maliit na table ko.

"Grabe ang sarap naman nito?" Pagpupuri ni Gail.

Yung dalawa naman ay tahimik lang, halatang gutom na gutom sila, kaya nga dinamihan ko na eh, tyaka all in one meal na yun, kaya less hassle.

Nagkatinginan kami ni Luke, ngumiti lang ako sa kanya pero nagulat ako ng humawak ito sa gilid ng labi ko. May tinanggal itong isang butil ng kanin, nagulat ako ng kinain niya ito.

"Grabe magkakaroon ata ako ng diabetes dahil sa linuto mo Neil." Pagbibiro ni Gail.

"Umaapaw ang tamis." Panggagatong ni Mark.

"So how's that other guy?" Pagtatanong ni Kurt.

Napatingin ako kay Luke dahil paniguradong uusok ang mga ilong nito maging ang tenga pero nagulat ako ng attentive itong sumagot. "Wala na andoon na sa asawa niya." Sagot nito.

"Asawa?" Nagtatakang tanong ng mga kaibigan ko. Mabilis lang akong tumango.

"Engaged na kasi sila but pagnakagraduate na sila at may mga stable na trabaho na sila then doon na yung marriage." I explained.

"So kayo na susunod?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Gail.

"Ang ibig sabihin ni Gail, kelan kayo niyo magiging official?" Kurt explained.

"Guys alam niyo? May klase pa tayo. I keep niyo na muna yang mga ganyang katanungan niyo." Pagiiba ko ng topic ayaw ko pang pag-usapan ang tungkol  saamin ni Luke basta ayaw ko na muna.

Umalis na sila at dumiretso na sila sa kani-kanilang dorm para makapaghanda na sila. Magtatanong pa sana si Luke pero dali dali ko itong hinalikan sa labi niya.

"Maligo kana baby. Keep those words muna." Sabi ko at bumalik na sa paghuhugas ng mga nagamit na plato.

Like ordinary times, dinadala niya ako sa school but right now may isang kiss na.

"Nagseselos na kami Neil. Sa totoo lang." Gail said.

Tumawa ako. "Relax mas mahal ko kayong mga kaibigan ko kaysa sa kaniya." Pagpapagaan ko ng kanilang loob.

"Na record mo ba yun Kurt?" Tanong ni Mark.

"Oo lahat lahat." Sagot nito at tyaka tumawa. Huh? Na record yung sinabi ko?

"Whatever?" Umirap lang ako at tyaka nagpatuloy na sa paglalakad.

Napatigil kaming apat sa paglalakad ng biglang sumulpot si Rose sa harapan namin.

"Good morning guys!!" Sigaw nito.

"Good morning." Masayang bati namin.

"Goodmorning Mark." Bati ni Rose at inipusod niya ang buhok nito sa likod ng tenga niya.

Napatingin ako kay Mark at nakita kong namumula na ang mukha nito dahil sa kilig.

"Rose asan si Pan?" Tanong ni Kurt. Oh diba pumapag-ibig na silang lahat. Sana all.

"Nandoon may ginagawa." Sagot nito.

Napatingin ako kay Gail, ang saya saya niyang ngumingiti pero nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot. Siguro nalulungkot siya dahil wala siyang magustuhan, o mapormahan, eh pareho naman kami?

Umakbay ako sa kanya. Dahilan para tignan ako nito na nakakunot ang noo. "Come on don't be sad.
Magkakaroon ka rin soon."

"B-bakit mo sinasabi yan?" Tanong  nito.

Just Friends [Boys Love]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt