CHAPTER 47

378 13 0
                                    

Neil

May lumabas na naman na bagong issue tungkol saakin, wala lang. I'm already used with that thing. Halos mag one month na ganun, siguro kung hindi ako tulad ng mga normal na tao ay paniguradong unang araw palang makikita niyo na akong nakasabit sa ceiling.

"Neil pwede ba kitang makausap?" Pagtatanong ni Pan.

Natakot ako, nagulat at the same time. Simula noong kumulat yung unang picture namin ni Vince, she looks yeah different, away more different. Parang may gusto siyang sabihin saakin pero parang takot siya?

"Sabihin mo na dito. We are friends right?" Rose said.

"Oo nga para naman wala tayong taguan sa isa't isa." Sagot ni Gail.

Tumingin ako kay Pan. "Ano yun Pan? Sabihin mo na."

"Baka itakwil niyo ako?" Tanong nito at napayuko, ewan ko kung bakit? Ilang segundo siya sa ganoong posisyon agad kaming nagkatinginan ng marinig namin itong umiiyak na.

"Hey what's wrong?" Tanong ni Kurt.

"Neil. I'm so sorry..." Humahagolgol niyang sabi.

"Huh? What do---" I signaled my hand to Rose para tumigil ito sa pagsasalita dahil baka masaktan pa lalo si Pan.

I knew it for the very first time, tama nga ang naging hinala ko. Kasi base sa kanyang sinabi noon na mas matagal siyang gumamit ng camera, at tyaka sa angle panigurado siya ang may gawa nun.

Humawak ako sa kamay nito. "It's okay." Sagot ko, dahil wala namang makikitang mali sa pagkuha niya ng litrato saamin ni Vince. Holding hands lang naman iyon, hindi naman censored or something, na nakakasira ng pangalan ko.

"Neil ayaw kong maawa ka saakin." Tumayo ito.

"No hindi ako naaawa sayo." Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Okay lang ako dahil alam kong nagawa mo yun dahil may mabigat kang dahilan."

Wala siyang nagawa at yumakap saakin. Kaibigan ko siya so kinakailangan ko siyang patawarin, and now I know kung bakit kailangan niya itong gawin, pero wala na akong balak na alamin pa dahil alam na, atleast am all the way up to the next suspect for the second picture.

Nagpasundo ako kay Vince papunta sa  condo unit nila.

"Bakit ka nagpasundo?" Tanong ni Vince habang abala ito sa pagmamaneho.

Tumawa lang ako at sumandal ako sa head restraint.

"Miss mo na siguro ako no?" Patawang tanong nito.

"Ulol may sasabihin lang ako kay Celine." Sagot ko.

"Wala ka bang sasabihin saakin?" Umiling lang ako.

Pagkarating ko sa place nila, ay agad akong ipinaliwanag ang lahat kay Celine tila nagulat siya, ngayon niya lang siya nagka-ideya tungkol dito, pati rin si Vince nagulat.

"Please Celine." Lumuhod ako sa harap niya. "Patawarin mo ako, hindi naman ako nakikipaglandian kay Vince dahil aya----"

"Neil.." Mahinahong sabi nito. "Neil it's not your fault. At alam kong hindi mo gagawin yung bagay na yun." Humakwak siya sa kamay ko.

Magsasalita pa sana ako pero nauna na siyang nagsalita. "Neil tumayo kana diyan. Hindi mo kailangang magmakaawa, lumuhod, at umiyak dahil agad na kitang napatawad." Utos niya. "Ano ba yang bagay na yan eh hinala lang nila yan? Alam naman natin na medyo may pagkasweet itong si Vince, kaya ayan."

Gaya ng sabi niya ay agad akong tumayo. "Are you sure?" Tanong ko. Tumango ito at mabilis akong yinakap.

"POWER HUG!" sigaw ni Vince at nakiyakap siya saamin.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon