CHAPTER 45

383 16 0
                                    

Luke

I was on my way to my dorm nang makasalubong ko ang sasakyan ni Kurt, mabilis akong gumawa ng isang U turn para sundan ito, maaring alam  nila kung nasaan si Neil. I miss him very much, I tried to make up with him but I always fail.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa isang cafe, bihira din kaming pumupunta dito with my friends. Nakita kong bumaba silang apat sa sasakyan, hinintay kong makahanap sila ng table nila.

Kita dito sa labas yung nangyayari sa loob dahil salamin ang pader nito, pumasok na ako, pagpasok ko nakita ko agad si Neil nandoon sa counter na umorder. Nandilim ang paningin ko ng may bumangga sa kanya dali dali akong lumapit sa kanila.

Hinila ko agad ang kamay ni Neil at hinila ito patayo, masama akong tumingin sa may gawa nito. It's like we are at the same age, pati narin sa height hindi nalalayo.

Nagpakilala siya bilang si Vince, gusto niya pang makipagkamay kay Neil. Kinuha ko yung panyo ko at ilinagay ito sa kamay niya. Ano may balak ba siyang landiin si Neil? Mga mata, ngiti at aura niya kitang kita ko na yun ang gusto niyang gawin.

Umorder ako ng tag-isa naming chocolate shake, yes we both love chocolates. I wanted tried talking to him but he's busy on his phone. Minsan iniisip ku rin parang gusto ko nalang maging cellphone para lagi akong hawak hawak ni Neil.

Hindi na ako nakapagtagal pa sa cafe sa tumawag si Harold.

[Dude ikaw na muna maki-usap sa ex ko.]

"Huh? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

[Please kahit ngayon lang]

Bumalik ako sa dorm ko para magpalit at tyaka na dumiretso dun daw kami magmi meet before lunch. Nang makita na ako ng ex ni Harold ay nakipagbeso beso ito saakin bago kami pumasok sa McDo, diretso kaming naglakad kaunti lang ang mga tao ngayon. Umorder yung babae ng kung ano ano, she was talking to much while eating a mc flurry I was just nodding, dali dali kong pinunasan ang bibig nito dahil para itong bata na kumakain.

Nang napatigil ako ng may mahagip ang mata ko, si Neil yun ah? May kausap na namang iba? Teka diba siya yung Vince, dali dali akong tumayo at naglakad patungo sa kanila.

"Uyy wait." Pagpapatigil saakin ng babae, pero I just ignore it.

Dali dali kong hinila ang balikat ni Neil para matanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalake at para maidistansya sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon.

"If you don't want anything, makakaalis kana." Paguutos ko.

"Diba ikaw yung lalake na naman kanina?" He asked. "I just want to know Neil."

"But you don't have to." Diretsong sagot ko. Ano pa bang importanteng point sa pakikipagkilala niya kay Neil?

Ang dami dami niyang sinasabi If only I can hit his face, pero natakot ako dahil nandoon si Neil, at ayaw kong magalit siya saakin dahil doon. Hinila ko siya palabas, I was so pissed of that time dahil nakikita ko siyang nakikipaglandian sa iba, habang pinopormahan ko siya.

I asked kung bakit niya ako iniiwasan, I don't even understand it was almost days. Hindi ako makatulog sa gabi dahil sa kanya. That day ginising niya ako sa katotohanan that we were just good at friends, nasaktan ako to do the point na kailangan kong iwanan siya roon, I expected for to much. At that time dumiretso ako sa dorm ko.

"How was the talk?" Bungad na tanong ni Harold.

Hindi lang ako sumagot at madaling pumasok sa dorm ko, wala akong ibang nagawa kundi magmukmok, Hindi na ako pumasok pa dahil wala akong gana. I thought I would make up things with him but it turns out na mas malala pa.

Hapon na nang mapagdesisyonan kong pumunta sa bar. Naparami ang inom ko at halos puro Neil nalang yung mga thoughts na pumapasok sa isip ko, hindi ko din alam kung anong oras na. Pumunta ako sana ako sa cr nang nasa hallway ako at nagulat ako ng biglaan akong hilain ni Neil papunta sa pader, mabilis niya akong hinalikan pumikit ako at napahawak sa batok nito para diinan pa ito.

Pero agad akong napamulat nang makita si Veronica na nakahalik sa bibig ko, dali dali kong itinulak palayo. It was just an hallucination. Napatingin ako kung saan yung nabasag at nakita ko ang totoong siya, nakatayo habang nakatalikod.

I thought tuluyan na akong mahihiwalay sa kanya, pero dito pa pala siya aamin. Everything turns out pretty nice, I thought he would be avoiding me since that day but I am wrong. He had forgiven me. We stayed together on my place, napakasaya ko dahil sa dalawang araw naranasan kong siya ang huling makikita ng mata ko kapag pipikit, at ang unang makikita naman sa pagmulat ng mga mata ko.

I thought I will always have him, but bigla nalang nagsilabasan ang mga kung ano anong issue sa kanya, nalaman ko yun dahil kay Reen pamangkin siya ni Daddy kaya medyo close kami. I gathered every information na maari kong makuha. By the time na pumunta ako noong nagluto siya ng dinengdeng, that's the time where the issues of him started spread.

Hindi na ako nagtaka kung bakit siya iniiwasan ng mga kaibigan niya, dahil alam kong naniniwala sila sa mga yun. Hindi ko inaasahan na pati ako damay sa mga issues niya.

"Luke alam mo naman kung ano ang hindi magandang apekto nun sayo?"  Harold said. "Luke layuan mo na muna si Neil maaaring pinepe---"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at sinuntok ito sa mukha. Hindi niya alam ang totoo dahil wala siyang pruweba, at kailan man hindi ganun ang pakay ni Neil saakin.

Umalis na ako na galit na galit dahil sa imbes na kahit ngayon lang nila ako samahan sa desisyon, ayun mas pinapairal nila ang mga duda nila. If they really cared for me, edi sasamahan nila ako sa ano mang desisyon ko, kahit madumihan pa ang pangalan ko.

Neil and I made some fun, pero agad din natigil ito, dahil sa pagdating ni Amanda nagtaka ako dahil bakit sa dinami dami ng mga kaklase ni Neil ang maaaring lumapit sa kanya eh bakit itong si Amanda.

Matapos kaming kumain I started to open up that topic about him. It wasn't a quick talk, why would he asked me to get out of his life? Ganun na ba ako kahina? It's my place to protect him, because I love him. Pero nagpumilit siya nagmakaawa ako na h'wag niya gawin, pero at the same time nagmakaawa din siya, dahil mahal ko siya, and I don't want to end up fighting with him that much pumayag nalang ako. Hindi ko maiiwasang maiyak dahil hahayaan ko siya na mag-isang lumalaban.

By that night lumapit saakin yung mga kaibigan ko, humingi ako ng tawad lalo na kay Harold mabilis din namang naintindihan ito.

I was so excited to see Neil again, bumili nga ako ng tag-isa naming chocolate shake, but when I here those words on him felt like more than a heart break.

We had a fight kinagabihan nito, he said he's doing it to protect me, pero parang hindi ganun yun nakikita ko, I set him free that night.

And then kinaumagahan may natanggap akong pictures galing kay Reen, si Neil at yung si Vince. I was cursing myself everytime na naalala ko yun, I can't do something else. One time nakita ko silang magkasama sa harap ng condominium masaya silang magkasama. I made my mind na hindi na ako magpapaapekto.

Hanggang ngayon sariwa paring tumatakbo sa isip ko ang nangyari naming sagutan. Oo nasaktan ako dahil pinaniwala niya na ako na poprotektahan niya ako, pero hindi anong ginawa niya pinamigay niya ako.

Noong nakita niya akong nakapaghahalikan ako sa ibang babae, bakit ang bilis niya akong napatawad. Pero bakit ngayon siya naman ang humihingi ng tawad pero bakit tila nahihirapan akong ibigay ito sa kanya? He already prove everything, ano pa bang gugustuhin ko para mapatawad ko siya? At para narin matapos ang gulong ito.

He said I'll meet him, until 10 pm tomorrow? Will I give him that last chance I have?

•  •  •

@Itsme_Vincent08

Just Friends [Boys Love]Место, где живут истории. Откройте их для себя