Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass

8.4K 120 3
                                    

Diana's POV

"Uh.." sabi ko sabay abot sa kanya ng juice.

Sinenyasan lang niya ako para ilagay iyun sa mesa. Napataas na lang ang isang kilay ko. Pinagmamadali niya ako tapos hindi naman pala niya iinumin agad.

Mas sayad talaga. Inilagay ko na rin naman ang juice sa mesa tulad ng utos niya. Sunud-sunuran pa rin ang drama. Wala naman kasi talaga akong magagawa eh.

Suko na talaga ako. Paano ba naman kasi, remember nung sumabog ako sa sobrang galit at sinigawan ko siya ng bonggang-bongga. Kung anu-ano pa ngang masasamang salita ang lumabas sa bibig ko. Lahat yata ng bad characteristics niya nabanggit ko na. Ipinamukha ko talaga sa kanya na inis na inis ako sa kanya.

Pero imbes na mainis aba't hulaan niyo kung anong ginawa?

Tumawa lang naman po siya.

As in sobrang tawa niya. Kung gaano kabongga ang pagsigaw na ginawa ko ay siya ding bongga ng tawa niya. Akalain mo yun. Ginawang joke ang sobrang pagkainis ko. Ang walanghiya, hindi man lang nakonsensiya kahit konti.

Pumunta na lang ako sa may gilid. Sa medyo malayo sa ungas dito. Nakakainis talaga. Simula nang gawin akong utusan nitong lalaking ito ay hindi ko na nakasama mga friends ko. Namiss ko na sila.

Napasimangot na naman ako ng mapalingon ako kay Nathaniel. Ano ba kasing problema ng lalaking ito at tuwang-tuwa siyang inisin ako?

Pero sabagay natutuwa din naman ako asarin siya. Pero inaasar ko lang naman siya kapag nabubuwisit ako sa kanya. Ang nakapagtataka lang talaga ay lately hindi na yata siya masyadong naaasar? Baka umiinom ito ng anti-asar pills?

Ano ba yan, kung anu-ano naiiisip ko. As if may ganun naman talaga.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa pinto. Lumapit ako buksan yun.

Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh.

"Anong ginagawa niyo dito?"

 

Andito ang mga kaibigan ko kasama si Annika. Waaaahhhh. Ang saya naman. Iniisip ko palang sila tapos andito na sila.

"Sigurado kasi ako na sobrang nabobore ka na dito. Isa pa alam ko namiss mo na din sila kaya I invited them to come here."

 

"Hulog ka talaga ng langit Annika."

 

"Basta ikaw Diana. No problem. James tambay lang kami dito ah. Thanks"

 

Hindi siya kumibo. Basta tinitigan lang niya ng masama si Annika. Nagalit yata? Hahahahaha. Ang galing talaga ni Annika. Paano kaya niya naasar itong lalaking to? Makahingi nga ng tips. Waahhahaha. Biro lang naman.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon