Chapter 37 - Napakatanga

8.5K 138 6
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko sina Nathaniel. Iiwas sana ako kaya lang huli na ang lahat. Nakita na ako ni Annika. Napapikit na lang ako. Tapos ngumiti sa kanila.

"Diana!!!!" sigaw pa nito.

Ng makalapit na sila sa akin ay isa-isa nila akong binati. Tinray ko na huwag siyang tingnan. Galit pa rin kaya ako sa kanya.

Tapos

Tapos

Tapos

Nilagpasan niya ako. Hindi siya huminto at dire-diretso lang sa paglalakad. Nasundan ko na lang siya ng tingin. Huh. Aba't ang lakas din ng apog ng isang yun ah. Ako dapat ang hindi papansin sa kanya tapos inunahan ako. Siya kaya ang may kasalanan sa akin tapos siya pa itong may ganang magalit. Madapa sana siya.

"Ano namang problema nun? Kahapon pa mainit ulo nun ah?"

 

Nagkibit balikat lang sina Dominic.

"Baka may dalaw.. Hahahahaha"

 

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko. Maliban nga lang kay Stephen. Nakatingin lang siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Paano ba naman kasi iyong tingin niya sa'kin eh nangongonsensiya. Ano naman daw yun? Ako pa ba dapat makonsensiya? Ang swerte naman ng ungas na yun kung ganun.

May ilang weeks na rin. Ilang weeks na rin akong hindi pinapansin nong abnormal na prinsipe. Tuwing magkakasalubong kami ay para wala lang sa kanya. Ni sulyap man lang wala. Parang hindi niya ako nakita. Parang hangin lang ako na dadaan-daanan niya. Dapat ikatuwa ko ito. Kasi naman, hindi na niya ako inaabala. Tahimik na ang buhay ko. Walang asungot na nang-aasar sa akin. Kaya lang hindi ako natutuwa.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako sa ginagawa niya. Ito naman ang gusto ko di ba? Ang lubayan na niya ako? Pero ngayong iyon na ang ginagawa niya ay nabubuwisit naman ako. Buwisit na buwisit ako na parang gusto ko nang mangain ng tao.

"Uie Diana? May problema ka ba? Nakabusangot na naman ang mukha mo? Pansin ko nitong mga nakaraang araw ay palagi ka na lang nakasimangot diyan." - Charlotte

 

"Wala. May naalala lang akong nakakabuwisit." Sagot ko sabay inum. Nasa gym kami ngayon para sa P.E namin. Break muna kami.

 

"Si James ba?"

 

Bigla kong naibuga ang laman ng bibig ko. Buti at konti pa lang naiinum ko. Si Charlotte naman tawa ng tawa.

"Ano ka ba Charlotte? Bakit ko naman maalala ang ungas na yun?"

 

"Hahahahaha. Kasi siya lang naman ang kinaiinisan mo dito? Bakit ka na naman ba naiinis? Eh di ba hindi ka na naman inaabala ni James? Ni hindi ka na niya pinapansin eh."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon