Chapter 27 - Clinic

8.3K 122 1
                                    

Diana's POV

Sinamahan ako ni Mark na pumunta ng clinic. Ayoko sana pumunta pero pinlit ako ng mga kaibigan ko. Sobrang nag-aalala sila sa paa ko, ipatingin ko man lang daw sa nurse ng school.

Hindi naman siya gaanong masakit kaya tingin ko hindi ko na kailangang pumunta ng clinic, pero pumayag na rin ako dahil mukhang wala silang balak tigilan ako. Magrereklamo sana ako sa kakulitan nila kaya lang baka magantihan lang ako dahil ako ang numero unong makulit sa amin.

"Okay naman ang paa mo. Hindi naman na sprain ang ankle mo. Medyo na stressed lang ng konti ng muscle. Bukod sa konting sakit ay wala ka nang dapat aalahanin. Huwag ka na lang muna masyadong maglakad para maipahinga mo ang muscle ng paa mo. Bibigyan na lang kita ng painkillers sakaling di mo kayanin ang sakit."

 

Napatango na lang kami ni Mark sa sinabi ng nurse.

"Kita mo, sabi ng okay lang ako eh. Ayaw mo pa maniwala sa akin." sabi ko sa kanya pagkaalis ng nurse.

"Ano ka ba, Mabuti na ang sigurado. Baka mamaya na sprain talaga ang paa mo, malumpo ka pa ng wala sa oras."

 

"Ang O.A. naman nito, sprain lang malulumpo na kaagad."

 

"O siya, siya, hindi na. Manahimik ka lang diyan."

 

Napangiti na lang ako sa kanya. Sumuko agad siya sa kakulitan ko. Di ba nga sabi ko ako ang numero unong makulit sa amin.

"Pasensiya ka na talaga Diana ha... " natanggal ang ngiti ko. Napakaseryuso kasi ng mukha niya.

 

"Hmmm?"

 

"Pasensiya ka na kung hindi ka namin naipagtatanggol. Kung palagi kaming walang nagagawa para sa iyo. Ikaw na lang lagi ang gumagawa ng lahat, tapos kami pabigat lang sa'yo."

 

"Ano pa iyang pinagsasabi mo diyan. At anong pinagsasabi mong pabigat?? At kailan naman iyon? Wala yata ako maalala...... Ano ka ba Mark, hindi ko naman kayo kinaibigan para may magtaggol sa akin. Tsaka anong sinasabi mong hindi niya ako ipinagtatanggol? Eh ano iyong nangyari kanina...? Nung sinabi mo sa bruhildang iyon na babayaran mo iyong sapatos niya na nadumihan ko, hindi pa ba pagtatanggol ang tawag dun? Tsaka the fact na kinakaibigan niyo ako kahit na halos lahat ng tao dito sa school ay inaayawan ako,  ako nga dapat mahiya sa inyo eh, dahil sa akin palagi na lang kayong nadadamay, napapasok sa gulo."

 

"Alam mo namang balewala lang sa amin iyon, what are friends are for di ba?"

 

"Iyon na nga eh. Magkaibigan tayo kaya dapat hindi mo iniisip ang bagay na iyon."

 

"Naiintindihan kita, basta promise ko, from now on ipagtatanggol na kita. Ipagtatanggol kita doon kay Caroline. Kahit kay James pa."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon