Chapter 26 - Lunchbox

8.6K 135 5
                                    

Diana's POV

"Chaaarraaan" sigaw ko pagkatapos kung tanggalin ang takip ng lunchboxes na dala ko at ipakita sa kanila ang laman non.

Nandito kami sa malagubat na part ng school. Well para siyang gubat dahil sobrang dami ng puno. Pero kung tutuusin sobrang ganda ng paligid. Napakapresko ng hangin at napakatahimik pa ng paligid. Naikuwento sa akin minsan ng mga kaibigan ko ang tungkol sa parte na ito ng school kung saan konti lang ang napapadpad, kaya bigla akong nakaisip ng isang bright idea.

Bigla kong naisip na maganda kung dito kami kumain. Kasi sobrang napakaingay sa cafeteria. Bukod sa hindi ko talaga type ang mga pagkain doon na malaginto ang halaga ay sobrang taas pa ng tensiyon dun. Pakiramdam ko ano mang oras may hindi mangyayari.

Tsaka iniiwasan ko ring makaharap ang aking mga mortal na kaaway, lalo pa ngayong nadagdagan na sila. Kung dati si James lang at majority nitong school ang kaaway ko ay dinagdagan na ito ng Caroline na iyon.

Ang babaeng iyon, talagang pilit ginugulo ang matagal ko nang magulong buhay. Sinasadya talaga akong puntahan sa aking lungga para lang pagsalitaan ng mga hindi kanais-nais na bagay. Tingnan ko lang kung mahanap pa ako dito nun.

Anyway, since hindi nga kami bibili ng pagkain sa cafeteria ay nagbaon ako ng kakainin naming anim. Medyo madami ang pagkaing pinadala sa akin ni Yaya Teresa, sabi ko sa kanya anim kami pero parang pang-sampung tao ang niluto niya. Pero siyempre dahil mabait akong bata ay tumulong ako sa pagluluto. Marunong naman ako kahit paano magluto.

"WOW!!!! Diana. Mukhang masarap ah... Kaya lang  ang dami naman nito.... Kaya ba nating ubusin to?"


"Talagang masarap iyan... Sobrang sarap kaya magluto ni Yaya Teresa. Tsaka kahit marami iyan baka kulangin pa din niyan.. Sabi ko nga di ba, sobrang sarap niyan, kaya malamang mapadami ang kain natin. Ano kain na tayo."


"Okay" magkasabay na sabi nilang lahat.

"Mukhang hindi kayo excited ah" natatawang sabi ko habang kinukuha ko sa bag ang mga kutsara't tinidor na gagamitin namin. Kaya lang, umabot na yata sa dulo ng daigdig ang kamay ko ay wala pa rin akong kutsarang maabot.

Nasaan na kaya iyon. Tanong ko sa sarili ko habang kinalikot ko ulit ang bag. Pero kahit anong tingin ang gawin ko ay wala talaga.

"Diana, bakit?"


"Ah eh... guys pasensiya na nakalimutan ko yatang magdala ng utensils." Malamang talagang nakalimutan ko iyon. Wala namin kasing mga paa iyong mga kutsara para maglakad paalis. Talaga naman oo, tinamaan na naman ako ng katangahan ko.

"Ha??? Paano na ngayon iyan?"


"Ah alam ko na" Kinuha ko iyong tubig na dala ko at iniabot iyon sa kanila.

"Magkamay na lang tayo. Eto tubig, maghugas na kayo ng kamay."


"ANOOOO????"


Wow. Hanep sa reaction ah. Sabay pa talaga. Kung makareact naman itong mga ito, sobra naman kung magulat. Para namang ikamamatay nila ang ipinapagawa ko sa kanila. Magkakamay lang naman eh.

"Anong ano kayo diyan? Ang O.A. niyo ah.! Para namang hindi pa kayo nagkamay sa tanang buhay niyo."


When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon