Chapter 55 - What

6.7K 153 27
                                    

Dedicated to you tricia... Maraming salamat...

iamhopelessromantic



“Isang tanong. Isang sagot. Tell me honestly Diana. Do you like James?”

Hindi ako nakasagot. I haven't confronted myself with the question. Alam ko na sobrang nagrereact na ako sa mga nangyayari. But I didn't even bothered myself why.

I have a reason for avoiding him. But what could be the reason behind my reason?

"I don't know Stephen." At iyon ang totoo. I really don't know. Hindi ko masabing oo pero hindi rin ako makatanggi. Naguguluhan ako.

"Then you better figure it out soon. Bago pa maging huli ang lahat. And please Diana. Kung ano man ang sagot doon sa tanong ko, pag-iisipan mo nang isang libong beses ang magiging decision mo. I'll leave first."

 

Nasundan ko na lang si Stephen habang papaakyat siya ng hagdan.

Pag-isipan nang isang libong beses. Hindi kaya ako mabaliw nun?

"Uie Diana." untag sa'kin ni Monique. Sa sobrang kaiisip ko ay hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Anong problema mo? Ang aga-aga nakatunganga ka diyan?"

 

"Wala naman."

 

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ganyan na pala ang itsura ngayon ng walang problema?"

 

"Ano kasi eh." Paano ko ba sasabihin to sa kanya?

"Ano?"

 

"Ano. May kaibigan kasi ako."

 

"And?"

 

"May problema kasi siya. Nanghihingi siya ng advice eh hindi ko naman alam sasabihin ko."

 

"Ano ba yong problema niya?"

 

"Iyong kaibigan ko kasi. Hindi mo siya kilala ah. May guy na nagsabi sa kanya na gusto siya nito. Kaso iyong guy, sobrang sungit nun, suplado, mainitin ang ulo, conceited, narcissistic."

 

"Teka nga lang Diana. Hindi naman si James ang tinutukoy mo di ba?"

 

"Siyempre hindi no. Sabi ko di ba hindi mo kilala. Taga dating school ko."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon