Chapter 43 - Yakap

8.9K 149 11
                                    

Naramdaman ko na parang may mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko. Automatikong napamulat ako ng mga mata.

Napasigaw ako.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.

 

Walang lumalabas na boses sa akin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Relax lang Diana. Relax ka lang. Huwag kang praning.

Nandoon pa rin iyong mainit na hangin sa leeg ko. At lalo akong napapraning dahil dun. Feeling ko tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan kapag dumadampi ang hangin sa balat ko. Idagdag mo pang may mga brasong mahigpit na nakayakap sa bewang ko.

Dinig na dinig ko pa ang kabog ng dibdib ko kaya lalo akong hindi makapag-isip. Kahit hindi ko tingnan kung sino alam ko na siya ang nasa likuran ko at nakayakap sa akin. Lalo ako kinabahan sa naisip.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.

Isip ko lang ang sumisigaw. Wala pa rin talagang boses na lumalabas sa bibig ko. Anak ng tinapa. Anong nangyayari?Bakit nakahiga na ako sa kama niya? Huwag mong sabihin na hindi ko namalayang nakatulog ako?Ang tanga lang talaga.

 

Sa posisyon namin, hula ko, iyong mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko ay hininga niya. Sinubukan kong makagalaw. Pero sobrang higpit ng yakap niya. Iniisip yata ng isang to na unan ako. Pero kailangan ko talagang makawala. Andito na naman kasi iyong pakiramdam ko na parang maiihi na hindi naman. Iyong parang may bulate na gumagapang sa tiyan ko. At ngayon pati sa leeg ko. Parang gusto ko na talagang mangisay dahil sa hininga niya.

Nang gumalaw siya ng konti ay medyo lumuwag ang yakap niya. Kaya naman nakakilos ako paharap sa kanya which is isang malaking pagkakamali. Dahil ngayon magkaharap na ang mukha namin. At sobrang lapit talaga. Mga 2.53 centimeters na lang siguro ang pagitan.

Bigla akong napalunok ng matitigan ang mukha niya. Especially ang lips niya. And then automatically ay naalala ko nang hinalikan niya ako. Napapikit na lang ako. Ang totoo gusto ko talagang lumingo kaya lang feeling ko kapag ginawa ko yun ay magkakahalikan na kami.

Anak ng. Bakit kailangan halik ang maisip ko. God. Natutuliro na yata ako, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kahit ang huminga nang malalim, para lang sana makalma ang sarili ko, ay hindi ko rin magawa. Buti pa sana kung nakatayo lang kami. Kasi kapag ganun pwede lang akong umatras para makalayo sa kanya. Pero nakahiga kami. Tapos nakayakap pa siya sa akin. Kung gumulong na lang kaya ako. Hanggang sa mahulog ako sa kama. Ang sakit nun eh.

Kung gisingin ko na lang kaya to.

Siya at Ako: WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

 

Magpapahabaan kami ng sigaw kapag ganun. Tsaka sobrang nakakahiya nun.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.

 

Ano na lang iisipin niya kapag ginising ko siya nang nasa ganito kami posisyon? Hay ayoko na isipin yun.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon