Chapter 13 - The Suplado Returns

9.3K 212 7
                                    

Diana’s POV

Haaayyyyyyy.

Nakakainis na talaga ah. Hindi pa rin kasi matigil ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga tao dito sa school. Anu ba naman, araw-araw na lang bang ganito. Daig ko pa artista nito eh. Ang daming nag-aabang ng mga kilos ko. Ang problema nga lang hindi ko fans tong mga to. Mga anti-Diana yata lahat ng tao dito.

Kung tingnan nila ako para akong criminal. May ginawa ba ako sa kanila? Wala naman di ba? Ang bait-bait ko nga eh.

Kung mapapatay lang talaga nila ako sa tingin, malamang pagtapak pa lang ng isang paa ko sa school ay patay na ako.

Nasa canteen na kami ngayon para mag-lunch. Ano pa nga ba gagawin namin di ba?

Tinatry namin na huwag na lang pansinin masyado ang ibang estudyante para iwas gulo na rin. Namimili na kami ng mga kaibigan ko ng gustong kainin ng makita naming papalapit sa amin ang buong grupo ni Nathaniel. Take note, with matching simangot na naman ang mukha niya.

Ano naman problema ng ungas na to?

 

 

 

Habang papalapit sila ay pakiramdam ko nag slow motion ang lahat. Tapos iyong ibang estudyante ay lalong gustong mag usyuso.

Parang kinakabahan ako at gusto kong magtago sa likod ng mga kaibigan ko. Kasi baka awayin na naman ako ni Nathaniel. Napapraning na yata ako.

Kaya lang naunahan nila ako eh. Hindi naman sila nagtago pero nasa likuran ko lang sila.

Nawala na ang kaba ko ng makita ko iyong malapad ng ngiti ni Annika. Ibang klase din itong babaeng ito ah. Pulos lalaki ang kaibigan. Well wala namang masama dun, naaamaze lang ako kasi nagagawa niyang makipagsabayan sa mga lalaki. Kasi nga di ba, iba trip ng mga yan.

“Hi Diana” masayang bati nito sa akin.

“Haaa----hi” anak ng tilapia. Naiilang ako. Bakit kasi ang friendly at mukhang ang bait niya eh. Ayan tuloy umatake na naman ang pagkamahiyain ko.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon