Chapter 47 - Picture

7.7K 147 10
                                    

Dedicated to kay Me_keytii. Para yan sa pagmamadali mo sa’kin. Araw-araw talaga? Hindi yan kakayanin ng powers ko. Bukod sa nakakadrain ng utak ay magastos pa. But I’ll try to update as often as possible. Since vacation na naman.  Natagalan lang talaga iyong huli kasi my studies demanded my time.

 

Anyways. Sana mag-enjoy kayo sa update.

 

iamhopelessromantic

 

 

---------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

"That's imposible. I was looking at you all the time."

Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi ng ungas na to?

 

I fake a laugh. "Ha-ha-ha."

 

"Anong sinasabi mo diyan? Hindi kaya kita nakita na tumingin sa akin kahit isang beses."

 

"So you were looking at me?"

 

Hindi ako nakasagot agad. Tumingin ba ako sa kanya?

"Of course not. I wasn't looking at you. I was watching the game."

 

"Tsssk. Whatever. But still you didn't cheer for me."

 

"Ang arte nito. Pinagcheer nga kita eh. Bakit ba ayaw mo maniwala?"

 

"Cause I didn't see you."

 

"Eh talaga namang hindi mo makikita kasi sa isip ko lang ako nagchicheer."

 

Napatitig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala.

"Sa isip mo? Paano naman naging cheer iyon kung ikaw lang ang nakakaalam?"

 

"Ano namang gusto mo? Sumigaw ako na parang baliw gaya nung iba? "

 

"Why not?"

 

"Ayoko nga. Ano ka sinuswerte? Tsaka hindi pa ako nasisiraan ng bait no."

 

"So ipagche-cheer mo lang ako kapag nabaliw ka na ganun?"

 

"Exactly!"

 

Parang biglang lumungkot ang expression ng mukha niya. Parang nakonsensiya tuloy ako. Kahit pa sabihing nonsense naman iyong sinasabi niya. Nonsense talaga. Bakit ba kasi niya ipinagpipilitan na dapat ipagcheer ko siya?

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon