Chapter 35 - Secret Admirer DAW

8.2K 136 1
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging malaya na ako. Ang araw ng muling pagsikat ng liwanag. At... at... at.... Wala na akong maisip.

Tinawagan ako ni Annika kagabi at sinabi niya sa akin na hindi ko na kailangan pang puntahan si Nathaniel. Magaling na daw ito. Hindi naman ako naniniwala dun. Paanong gagaling na lang bigla ang braso niya sa isang magdamag? Alam kong sinabi lang niya yun para matapos na namin iyong kasunduan namin. Hayyyy. Bakit ko pa ba inaalala kung magaling na ang braso nun. Problema na niya yun. Kagaya nga ng sabi ko, ito ang araw na pinakaasam-asam ko. Kaya dapat magsisisigaw ako sa sobrang tuwa.

Pero bakit nga ba hindi ako makasigaw sa tuwa? Sa isang banda ay parang naiinis ako. Malamang dala pa rin to ng nangyari noong isang araw. Tama, Iyon pa rin ang dahilan kung bakit naiinis ako sa kanya. Pinaiyak kaya niya ako. Tapos di man lang nagsorry.

Naglalakad ako papuntang room namin ng mapansin ko na panay ang tingin sa akin ng ibang estudyante. Ano na naman kaya ang nagawa ko at instant celebrity na naman ako? Malayo pa man ako sa room namin ay tumakbo na palapit sa akin sina Chloe at Ina at hinila ako papunta sa room namin.

"Dahan-dahan naman girls. Ayokong mapalitan ng binti ng aso itong braso ko."

 

Hindi nila pinansin ang sinabi ko. Tuloy-tuloy lang sila sa paghila sa akin hanggang sa makapasok na kami sa room namin. Marahas nilang pinatabi iyong mga kaklase namin na nakaharang sa mesa ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maakita ang pinagkakaguluhan nila.

"May secret admirer ka friend..." sabi ni Chloe na excited na inabot sa akin ang boquet ng red roses.

"At mukhang galante..." si Ina sabay abot sa akin ng isang box. Tiningnan ko ang laman. Isang bag. Lousie Vuitton na bag.

"Sigurado ba kayong para sa'kin to?"

 

"Well. Diana lang naman ang nakalagay na name dito sa card. Tsaka sa mesa mo lang po yan nakalagay."

 

"Pero kahit na dapat hindi niyo pa rin to binuksan. Hindi natin alam kung kanino o galing eh."

 

"Kaya ko nga sinabi na secret admirer eh. Tsaka panong hindi namin bubuksan malay ba namin kung bomba laman niyan."

 

"Tsssk. Palusot pa kayo. Sabihin niyo nacurious lang kayo."

 

"Any idea kung kanino galing ang mga ito? Sige na sabihin mo na."

 

"Kaya nga secret admirer eh dahil hindi ko alam. Kung kilala ko eh hindi na secret."

 

Sinimangutan nila ako kaya naman natawa ako. Pero napaisip ako kung kanino talaga galing ang mga to. Secret admirer? I don't think so. Tsaka ang weird niya ah. Bag talaga. Okay na sana ang roses eh, bakit may bag pa?

 

Pinagalitan ako nina Chloe dahil hindi ko dinala pauwi iyong bag at roses na bigay DAW ng secret admirer ko. Iniwan ko lang yun doon sa mesa ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin yun sa lost and found kaya doon na lang. Tsaka ayoko namang tanggapin yun. Hindi ko kaya alam kung kanino galing yun. Malay ko ba kung baliw ang nagbigay nun. Mapasubo pa ako kapag tinanggap ko.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon