Chapter 67 - Cake

3.9K 96 13
                                    

Vanselle and fritzie... Like  I said, Monday... Hahahaha...

iamhopelessromantic

Hindi siya kumibo. Hinintay ko ang magiging reaction niya pero nakatingin lang siya sa’kin. Nang mukhang wala na talaga siyang sasabihin ay tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papalayo. Gusto ko nang makalayo agad sa kanya pero may isang parte nang pagkatao ko na humihiling na sana pigilan niya ako.

Sa bawat paghakbang ko papalayo sa kanya ay umaasa akong susundan niya ako. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin siya para malaman kung sumusunod ba talaga siya. Nang marealize ko na hindi na talaga niya ako pipigilang umalis ay pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Parang mas lalong naging mabigat ang bawat hakbang ko papalayo.

Tiningnan ko ang cellphone  ko. May butil nang tubig sa screen. Hindi naman uumulan kaya alam kung luha ko ‘yun. Sa oras na tawagan ko si Jason para sunduin ako ay matatapos na ang lahat. Matatapos na sa’min ni Nathaniel ang lahat. Sumikip ang dibdib ko sa naisip. Napahawak ako sa dibdib ko. Kahit ilang beses kong sabihin sa puso ko na magiging maayos din ang lahat ay ayaw niyang makinig. Patuloy pa rin siya sa pagsakit. Katulad nang luha kong patuloy pa rin sa pagtulo.

Nanginginig ang kamay ko habang iniisip kung ipress ang call. Kanina ay nagtext si Jason. Nakalimutan ko daw kunin ang number niya.

“Jason, pwede mo ba akong sunduin?” Pumiyok pa rin ang boses ko kahit anong pigil ko. Nagpapasalamat na lang ako at hindi nagtanong pa si Jason dahil hindi ko siya magagawang sagutin.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad habang hinihintay si Jason. Natatakot akong oras na tumigil ako ay magbago ang isip ko at bumalik ako kay Nathaniel. Kaya nga lang, may babalikan pa nga ba ako? Umaasa pa rin ako na  sana hindi pa siya umaalis at hinihintay lang na bumalik ako. Pero alam kung hindi mangyayari ‘yun, tulad nang hindi niya pagsunod sa akin.

I have to accept the reality that Nathaniel and I would never be together. There could never be us. Never.

“Diana.”

Mabilis akong napalingon sa tumawag sa’kin. Kasabay nun ay ang muling pagkabuhay nang nauupos nang pag-asa sa puso ko.

Pero kung gaano kabilis nagbalik ang pag-asang ‘yun ay ganun din kabilis na naglaho nang makita ang tumawag sa’kin.

 “Are you alright? Tumigil ako sa harap mo but you continued on walking. Kanina pa kita tinatawag.”

Gusto kong sumagot nang ‘oo’ pero hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako. Pero ipinagkanulo ako nang luha ko. Tumulo na naman siya. Lumapit sa ‘kin si Jason at niyakap ako.

I know it wasn’t his voice. But I still hope it was him. I’m so stupid thinking he would still show up. He didn’t. He wouldn’t. Not now. Not anymore. Because I ended it. I was the one who ended it.

Ilang blocks na lang ay nasa bahay na kami pero itinigil ni Jason ang kotse. Nilingon ko siya. May inabot siya sa’king concealer.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon