Chapter 15 - I'm Stupid

8.5K 137 16
                                    

James' POV

Papunta ako ngayon sa sementeryo para bisitahin ang kapatid ko. Habang nasa biyahe ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa pag-ring ng phone ko. Tiningnan ko kung sino. It's Annika.

"Yes Annika, what do you want?"


"Where are you? Kanina ka pa namin hinahanap."


"I'm fine... bye"


Hindi pa man siya nakakasagot ay pinutol ko na agad ang tawag. Alam ko naman na nagaalala lang sila sa akin. Palagi na lang kasi akong napapasok sa gulo. Pero hindi ko talaga mapigilang mainis sa tuwing tinatanong nila kung nasaan ako o kung ano ang ginagawa ko. Hindi naman ako bata para imonitor nila ang lahat ng gagawin ko. They're acting just like my dad, and I'm not liking it.


After a few minutes ay nakarating na kami ng sementeryo. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay parang nakita ko si Diana. I ask my driver to stop the car.


Binuksan ko agad ang bintana ng kotse. Pero pagtingin ko sa labas ay wala naman si Diana....


"Damn it James..." Hanggang dito ba naman ay nakikita ko pa rin ang babaeng iyon.


Napakamot na lang ako ng ulo sa inis. What's with that girl at nagkakaganito ako?


"Sir bakit po?"


"Tuloy mo na lang ang pagdadrive."


After thirty minutes ay nagdecide na akong umuwi. Malapit na rin kasi akong magdilim. Medyo kalmado na rin kasi ako ngayon. Actually everytime na sobrang naiinis at nagagalit ako o hindi kaya may dinaramdam ako at kailangan ng makakausap ay pinupuntahan ko ang kapatid ko.


Although hindi naman siya nakakasagot ay gumagaan pa rin ang loob ko. Hindi mo kasi maasahan ang mga kaibigan ko pag-seryosong usapan. Lalo na sina Albert at . Lahat na lang kasi ginagawang biro, lalo lang tuloy akong naasar.


Malapit na kami sa subdivision namin ng mag ring na naman ang phone ko. At si Annika na naman. Ano na naman kayang kailangan nito.


"Yes"


"James, have you seen Diana?"


"What the hell Annika!" sigaw ko dito. Nakakainis kasi eh. Alam naman niyang asar ako sa babaeng iyon. At kaya ko nga binisita ang kapatid ko dahil talagang sobrang naiinis na ako Tapos siya naman, itatanong pa sa akin kung nasaan iyon.


"Bakit ka ba nagagalit agad diyan?"


"Hindi ka kasi nag-iisip... at ako pa talaga ang tinanong mo kung nasaan ang babaeng iyon."


"Okay.. Okay.. hindi mo na alam. Nagbabakasakali lang naman ako. Tumawag kasi mga friends niya, hindi pa raw umuuwi si Diana. Her parents are so worried already."


"WHAT!!"


"Ouch James. Hindi ako bingi so don't shout......"


Pinatay ko na agad ang phone. I don't have time para makinig sa sermon ni Annika. Saka isa pa, bigla kong naalala. Kanina sa sementeryo, akala ko nakita ko siya. Was that true? Nakit ko ba talaga siya kanina at hindi lang ako basta namalikmata.


It's almost seven at napakalakas pa ng ulan. No way. Hindi pwede tong iniisip ko. There's no way I'm gonna go back there to look for here.


Pero paano kung siya talaga iyong nakita ko kanina? At ano nga bang pakialam ko kung siya nga yun?


NAMAN!!! Kahit kailan pahamak talaga ang babaeng iyon.


Habang pabalik kami sa sementeryo ay nagtatalo pa rin ang loob ko. I'm not supposed to do this. Pero ginagawa ko pa rin.


Almost one hour din ang biyahe. Buti boscout ang driver ko at may dala siyang payong. Paglabas ko ng kotse ay tumayo ang balahibo ko sa sobrang lamig. Hindi talaga ako nag-iisip. How am I gonna look for her?


Nagsimula na akong maglakad. Walang direksiyon ang mga hakbang ko. Kung saan-saan lang ako pumupunta.


Hindi naman masyadong nakakatakot dito sa sementeryo. Marami  kasing light post kaya maliwanag kahit papano. Pero habang tumatagal ay nagsisisi na ako kung bakit pa ako bumalik dito.


I'm so stupid.


Really stupid.


And as I realized that, I've decided to stop this nonsense at bumalik na sa sasakyan. Ng pag-ikot ko ay bigla na lang akong napasigaw sa sobrang gulat.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon