Chapter 72 - Sealed With a Kiss

4.1K 112 4
                                    

Have you been waiting for this update? I hope so. And I hope hindi kayo nagsawa sa paghihintay.

 

Mai

 

Ilang araw na lang ay Valentine’s Day na; na siya ring araw nang prom sa school nila Diana. Kaya naman hindi na magkamayaw sa sobrang excitement ang lahat lalo na ang mga kababaihan. Sa iisang couture na kakilala nang mama ni Nica  lang silang magkakaibigan nagpagawa nang isusuot para sa prom. Samantala, panay pa rin ang pagpupumulit ni Charlotte kay Diana na magpasalamat ito sa kanya dahil sa ginawa niya sa theater hall na naging dahilan para maisipang yayain ni Nathaniel si Diana na maging date sa prom.

Nasa shop silang apat para isukat na ang mga damit nila for final adjustments. Napagkasunduan nilang cocktail dress lang ang ipagawa. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang sarili sa salamin habang suot ang damit.

"What did I tell you dear? You look great. To think wala ka pang make-up."

"Oo nga Diana. Siguradong lalong maiinlab si James sa'yo. Ngayon pa nga lang ayaw ka nang pakawalan. Sinundan ka pa talaga dito."

"Magtigil ka nga Charlotte" sita niya sabay talikod sa kanila. Nanunukso kasi ang ngiti nang couturer.  Mabilis na niyang hinubad ang damit bago pa kung saan makarating ang usapan. Kanina pa siya ayaw tigilan nang tatlo magmula nang walang pasabing dumating si Nathaniel sa shop kasunod lang nila. Tapos bigla na lang siya nitong hinalikan  sa pisngi. Sa sobrang pagkagulat ay hindi pa siya agad nakapagsalita.

"Excited na talaga ako. Dapat maging prom queen ka Diana." Kinunutan lang niya ng noo si Nica na umiikot-ikot pa sa harap nang salamin.

"Now that you mentioned it. Nakapagprint na ako nang flyers para sa campaign ni Diana."

"Flyers? Campaign? Anong sinasabi niyo?" Tinaasan ako nang kilay nang dalawa na parang ako ang may sinabing masama. Samantalang nagkibit balikat lang sa Ina.

"Diana naman. Lahat na lang ba kailangan pa naming ipaliwanag sa'yo?"

"Kung anu-ano naman kasing sinasabi mo Charlotte eh. Sinong maysabi sa inyong gusto kong maging prom queen?"

"At bakit naman hindi? Baka nakakalimutan mo na si James dela Vega ang boyf---" Hindi natapos ni Charlotte ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Diana ang bibig nito.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na di ko pa boyfriend si Nathaniel."

"Oo na. Hindi mo... pa... siya boyfriend." Nginitian siya nang makahulugan ni Charlotte. Naningkit na lang ang mata niya. Hindi makasagot.

"Kung hindi mo pa alam si James ang prom king last year. And guess what, hindi siya nag attend that time." Napalingon siya kay Nica.

"At dahil sigurado nang pupunta siya ngayon... which you happened to be the reason why... malamang sa  malamang ay magdodoble effort na ang ating mga malalanding schoolmates para sila ang maging prom queen. Hindi nila palalagpasin ang chance na 'to para maagaw ang hindi... mo pa... boyfriend na si James."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon